Kabanata 1

20 1 1
                                    

User

Pabalik- balik ako ngayon sa loob ng kwarto dito sa penthouse ng lalaking napagkasunduan ko kanina. Kung may kasama man ako ngayon, siguradong mahihilo na ito kakanuod sa akin. Nababalisa na rin ako, hindi naman mainit dito pero sumasabog na isip ko. What if they'll know I am here. May naiisip ako pero sa tingin ko hindi uubra iyon. Maliban na lang kung... type niya ko.

Lumabas ako ng kwarto, wearing only a silk bathrobe, under of it is a black nighties. Kung ano mang binabalak ko, sana gumana.

Hindi ko siya naabutan doon sa salas kaya dumiretso ako sa kusina. Nakatalikod ito sa akin habang umiinom ng tubig. I have all access to see the view of his back. Baka naman ako pa ang mahulog dito, baka bumaliktad 'tong patibong ko. Tss! Erase all the negativities, Mira. Humarap siya sa akin, walang bahid ng pagkagulat. He knows I'm around.

"Uhm!-" panimula ko, kumakapa at umiiwas ng tingin. Saktong pag-angat ng aking mga mata ay sumalubong ang kaniyang magkadikit na kilay, ngayo'y naghihintay ng susunod na sasabihin.

"Maybe we can talk about my father. You know uhm!-" hindi ko maituloy ang gusto kong sabihin. Oh! Ano Mira? Ang tapang mo kanina sa loob ng kwarto ah? Bakit ngayon, hindi ka makapagsalita!

"...uhm! Hindi pwede malaman nila Dad na.." tinitigan ko siya sa mata while he just raised his fine brow. "..na dito ako titira."

Shit! how I suck at this.

Naglakad siya papunta sa lababo at nilagay ang basong pinaginuman doon. Hinarap niya ako at matamang nagbuntong hininga. Ako naman ngayon ang nagtaas ng kilay. Ano? Pag 'di ka pumayag, paanong paraan pa ba ang gusto mo?

"Why would I let you live here, huh?"

"I don't know?" I asked back, nakakunot ang mga mata. Napangisi naman siya na ikina inis ko.

"Let say, you need me and I need you." he said. May kailangan pala kami sa isa't-isa huh. Kung ganong kung ano mang dahila 'yon, I will not let him use me. Hmm, ako ang gagamit sayo, macho! Mark my words, I will use you but you will never use me.

"Sige, anong dapat kong gawin?" panghahamon ko sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang magkabilang bisig niya, pataas sa kaniyang malawak na balikat. Tumingkayad ako hanggang sa maabot ang kaniyang tainga.

"Dapat na ba kong maghanda?" bulong ko dito at ngumisi sa kanya. Napalunok naman siya at umiwas ng tingin. I need to be safe in danger. Kaya dapat ako na ang kumilos.

Napanguso naman siya at deretsong tumitig sa akin. Mga mata niyang nanghahamon, in case of that, lalaban ako. I glared back. Bumaba ang tingin niya sa labi ko at lumapit pa sa akin, humakbang ako patalikod para hindi siya makalapit pero ng maramdaman ko na ang matigas na bagay sa aking likuran ay nagitla ako.

He lowered himself, pumantay sa tainga ko kagaya ng ginawa ko kanina at bumulong.

"Hindi mo pa nga ko kilala," I looked away, fuck 'yung gaze niya oh! Pag ako nag-timpi, hahalikan ko to. Binalik ko ulit ang aking paningin sa kaniya. Matalim at seryoso siya.

Atsaka I'll do some research later o sige bukas na lang, napapahiya ako e.

"You should show me what you got, then?" lumunok ako at ngumiti sa kaniya. Binaba naman niya ang paningin niya sa katawan ko. Ang tali ng roba ay maluwag na kaya medyo lumalabas ang ibang bahagi ng balat ko. Hinigpitan niya ito at tuluyan ng umalis sa harap ko.

Kinabukasan, nagising ako dahil sa init ng araw na tumama sa mukha ko. Sa ilang linggo kong pag-iisa sa space na ni-rentahan ko, nasanay na kong magising ng hindi nagrereklamo kung ako ma'y maistorbo. Like if I have a choice.

LOVE SCENARIOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon