Kabanata 5

21 1 0
                                    

Kabanata 5

Untold

Nandito ako ngayon sa condominium ni Kuya Almyr and I think he's on his usual bed, lazy sleeping ass. Matagal na akong hindi bumibisita rito. Hindi katulad ng sa ibang lalaki, si Kuya mismo ang bumili neto at walang kahit sinco sentimos ang hiningi mula kela Daddy. I don't know where he got it though.

Rest day ko ngayon at dahil ayokong umistambay sa pamamahay ni Lance, dahil sawang sawa na ako, halos kahit saang sulok nga kabisado ko na, ayon, I went here. I want to cook foods for us before he woke his ass up. Hindi ako dumiretso sa kwarto niya kasi baka naman may madatnan ako roong kamiagrohan. I just knew that he was asleep coz of this quite suite.

Pinrepare ko na ang pagkain at sakto naman ang kaniyang pag-gising kasunod ang magandang babae sa likuran niya. She wears kuya's shirt and that's not surprising at all. Hindi naman sa sinasabi kong ganong klase si kuya pero hms... ganon pala talaga siya. Ngumiti ako sa kaniya, namula siya at nahiya dahil sa kaniyang itsura. Halatang bagong gising sila at kakabangon sa kama. Tinitigan ko naman ng masama si kuya at hinintay ang eksplenasyon niya. Ngumisi lang siya at dumiretsong upo sa upuan.

"What makes you here, sis?" Tanong nita pagkatapos ng matagal na katahimikan.

"Rest ko, ayaw mo ba? Alis na lang ako."

"A-aah? Hindi... hmmm... aalis na rin ako pagkatapos kumain." Sagot noong babae. Tinapunan ko siya ng tingin at bumuntong hininga bago ngumiti.

"Ano kaba, Ate! You should not worry. This asshole should be. Baka mamaya hinahanap na 'yan ni Daddy e. By the way, I'm Mira, sister of that man... I'm 24 now, you po?"

"I'm Lilac..." nahihiya niyang sabi tsaka yumuko. "24 rin."

"God, kuya! Parang kapatid mo na rin 'yan..." Sinamaan ko ng tingin si kuya atsaka binalingan para kumindat kay Lilac na ikinatawa niya. Sa totoo lang, hindi ako tumututol sa kung anong desisyon ni kuya. Malaki na siya, alam niya na ang mga gagawin niya. Ang gusto ko lang ay wag niyang iiwan o babaliwalain ang babaeng ito, lalong lalo na kung may nangyari na sa kanila.

"Ugh... Hi Lilac? So paano mo natiis si kuya?" Biniro ko siya to ease up her uneasiness. Tumawa naman ako ng samaan ako ng tingin ni kuya.

"Hahaha si Almyr, nakilala ko siya sa highway, napasalpok 'yung... bike ko sa sasakyan niya, nagalit siya sakin, panagutan ko raw siya. And I end up with him, pinanagutan ko." Nahihiya niyang tugon. Sa totoo lang, bilang kapatid ko, nararamdaman ko na iba 'yung impact ng babaeng 'to sa kuya ko.

Pagkatapos naming kumain, nagkwentuhan pa kaming dalawa habang naliligo si kuya. Sabi niya tatlo raw silang magkakapatid, may kambal siya at nakakatandang kuya pero 'namatay raw sa sakit 'yung kambal niya kaya silang dalawa na lang daw ang natitira. Hindi raw sila mayaman, hindi din raw sila mahirap, masipag raw ang kuya niya kaya nabuhay siya. Masaya siyang kausap, seryoso pero may humor, nagbibiro siya at nagkukwento ng mga kalokohan ni kuya.

Nahinto lang ang kwentuhan namin ng may tumawag sakin. Nang makita ko ang rehistro ng pangalan ni Lance ay napairap na lang ako sa kawalan. Paniguradong may matatanggap na naman akong hindi magandang salita mula sa kaniya. Napairap na ulit ako bago sagutin ang tawag. Akala niya ba hindi ko naalala ang pangiisnob niya sa akin. Kahit ngayon, hindi pa rin kami ganong nagkakausap.

"Where are you? Bakit hindi ka nagpaalam?"

May pake rin naman pala ang loko. Napataas naman ang isa kong kilay. Para tuloy ako ritong kontrabidang may ginagawang masama. I made poker face ng mapagtanto 'iyon.

"Bakit? I'm somewhere far from you. I'm sick seeing you."

Sagot ko, halos pabulong na ang huling sinabi. Pero hindi iyon nakatakas sa pandinig niya. Rinig na rinig ko sa kabila  linya ang kaniyang pagbuntong hininga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE SCENARIOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon