Kabanata 2

23 1 0
                                    

Dictator

I don't know why he has a soft part on my system. Parang lahat ng sinasabi niya at sasabihin niya ay isang gamot sakin. It's like if I did'nt take it, mababaliw at kusang hindi ako gagaling.

Tumunog ang phone ko kaya natahimik siya. Sinundan niya ng tingin iyon, habang ako'y papuntang kama para kunin ang telepono.

"Anak, this is your mom. Nagmamaka-awa akong umuwi kana. Nangugulila na kami sayo."

Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko. Alam ko siya ang may pakana neto. Agad kumulo ang dugo ko at pinatay ang tawag. Tinitigan ko siya ng masama atsaka diretsong pinagpatuloy ang pag-iimpake ng mga gamit.

"Alam mo, 'di ko alam kung bakit mo ko napapayag na sumama sayo!" inis na hinarap ko siya. Pumungay ulit ang kaniyang mga mata. No, not that eyes. Hindi ko alam kung anong sikreto neto pero may hinala ako.

"Stop that." Diin niyang sabi. Bakit ba kami nag-aaway? Para kaming may relasyon kung umarte. Daig pa ang mag nobyo't nobyang naghihiwalay. Pero dahil sa inis ko, hindi ko siya pinakinggan. Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa at iniinis siya.

"I said stop it!"

I suddenly got up. Aba, sa mga pangyayaring ganito diba dapat ako 'yung sumisigaw. Naalala ko, hindi pala lahat. It depends on the situation.

Mahirap siya basahin, hindi ko alam kung galit siya o nagmamaka-awa pero mas hirap akong intindihan ang sarili ko. I don't know what's really up on my mind now.

Bumuntong hininga ako at tumayo ng deretso, nakatingin sa kaniyang mata. Sinusubukang basahin kung anong nararamdaman niya.

"In one fucking condition-" hindi ko ito natapos.

"Watch your mouth, lady."

"-just tell me, why I am here." I asked not minding what he said.

Umiwas siya ng tingin at malalim na huminga. Nauubusan na ko ng pang unawa, ha. Siguro naman wala akong kawalan sa kaniya baka inaalala niya lang na anak ako ng isa sa business partners nila.

Ako, gulong-gulo na ha! Hinintay ko siyang sumagot at tinaas lang ang kilay.

"Isipin mo na kung anong gusto mong isipin." he said and I almost sighed sarcasticly.

"Aba, siraulo ka pala e! Alam mo bang iniisip kong patay na patay ka sakin, ha!.." sabi ko at tinignan ang kabuoan niya ng may pag dududa. Kahit wala naman akong iniisip na ganon, asa!

"...kung tutuusin kaya ko namang mabuhay mag-isa baka ikaw hindi mo kaya."

Tinitigan ko siya at hinintay ang sagot niya. Kunwaring naghahamon.

"If that's make you happy, edi iyon ang paniwalaan mo."

Sinabi niya 'yon kanina sa akin. Ang pasmado ng bunganga diba at nasa harapan niya ko tapos nilayasan ako! At kung iniisip niyang gusto ko 'yung iniisip ko, aba! ang kapal ng mukha niya.

Kung hindi lang ako nakarinig ng isa pang tunog sa aking phone ay ipagpapatuloy ko pa ang pagkainis sa machong iyon.

It was a text from reliable and dearest friend of mine, Nathalia. Nagkakasundo kami pagdating sa mga bagay-bagay. We had same interest on socializing. Mahilig kaming mag-party at di ko mapagkakailang, mas kilala at marami siyang kaibigan kaysa sa akin. I've only liked it dahil may rason ako pero siya, natural na. Kaya its disggusting to think na nagtatrabaho ako para sa sarili ko.

But its not what on my mindset right now, gusto kong may mapatunayan ako.

Nathy:

I heard you're with Lance, the hot hunk, last night.

LOVE SCENARIOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon