Reincarnation

4 0 0
                                    

"Binibini maaari ba kitang maisayaw?" Tanong saakin ng isang binata.

Matangkad, kayumanggi ang balat at higit sa lahat gwapo.

Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko alam kung anong lugar ito. Magarbo, maraming palamuti, may nagkikinangang mga ilaw at may mga taong nagsisiindakan.

Puro baro't saya ang mga suot nila. Napatingin ako sa aking sarili. Nagulat ako dahil ganoon rin ang aking kasuotan.

"Ginoo? Sino ka?" Tanong ko sa binatang kaharap ko at naghihintay ng pagpayag ko na makasayaw sya.

"Binibini, Nakakalungkot naman at nakalimutan mo na agad ako. Ako ito si Franco. Ang iyong kaibigan" pakilala nya.

Franco? Ahhh oo!

"Paumanhin Ginoong Franco dahil lutang lamang ako ngayon. Halika na at tayo ay sumayaw na" wika ko at hihilahin na dapat sya nang makarinig kami ng putok ng baril.

May isa pa!

At sa kasamaang palad dumaplis ito saaking dibdib.

Ang sakit! Sobrang hapdi! Paalam na sa lahat. Hindi ko na kaya.
_____

Nagising ako sa pagtapik ni Mama.

"Anak? Ok ka lang ba? Binabangungot ka nanaman" sabi niya.

"Ma? N-napanaginipan k-ko n-naman" kwento ko nang mangiyak ngiyak.

Naramdaman ko sa may dibdib ko ang pagkirot.

"Anak may koneksyon yan sa una mong buhay. Sandali kukuha lang kita ng tubig" paalam ni Mama.

Sinilip ko ang dibdib ko na may malaking balat. Posible nga kayang may koneksyon ito sa una kong buhay?

Reincarnation ba ang tawag dito?

Pagkabalik ni Mama agad nyang iniabot saakin ang tubig kaya ininom ko ito.

"Unique may balat ka sa dibdib diba?" Tanong ni mama.

"Opo Ma" sagot ko.

"Sabi nila kung saan daw yung balat mo yun daw ang sanhi ng pagkamatay mo dati" kwento nya na nakapagpakilabot saakin.

"Ma? Posible kayang maulit ang nakaraan?" Nanginginig na tanong ko.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now