Alec's POV
Kakarating ko lang sa school ng biglang may tumawag sa akin.
09********* calling...
Sino naman kaya ito??
'Baka naman isang fan lang na nakuha yung number ko'
Nakooo kung ganun kailangan ko na palang magpalit na naman ng number.
Icacancel ko na sana kaya lang meron atang sariling control yung daliri ko at accept ang napindot.
'Ang rude naman siguro kung papatayin ko yung tawag eh na accept ko na'
Aish bahala na nga.....
"Hello?"-ako
"U-uhm h-hel-llo p-po??"-boses lalaki
"Uhm sino to??"-ako
"N-nandito p-po a-ak-kami sa may eco park sa likod ng malaking tangke ng tubig"
"Ano ba-"-alo
"S-sorry po napag utusan lang,hindi ko po talaga sya kayang iwanan doon"
'siya??'
"Sino bang tinutukoy mo??" naiinis na ako
"Si Claire po"
end call............
Kinabahan ako ng todo ng marinig yung pangalan nya. CLAIRE isa lang ang napasok sa isip ko ng may kagagawan nito.
"Ang aga mo naman bro" nilingon ko ang nagsalita at nagulat ako ng makita ko sya dito
"O bakit gulat na gulat ka??"-Von
"Asan kapatid mo??"-ako
"Itatanong ko rin sana sayo kung nakita mo, kanina pa ka-"
"sh*t" tama nga ung sinabi nung lalaki
"Bakit??"
Hindi ko na sya sinagot at kumaripas na ako ng takbo papunta sa eco park.
Hinanap ko kung nasaan yung tangke ng tubig
Sh*t baki dalawa pa??!!!
"Bakit(hingal) ka tumak(hingal) bo??"
Sumunod pala si Von
"Von nasa panganib ang kapatid mo tapos may tumawag sa akin kaninang lalaki na nagsasabing nandito siya sa eco park sa likod ng tangke ng tubig"
BIgla naman syang nagpanic at tumakbo sa tangke sa kaliwa kaya hindi na ako nagaksaya ng panahon at sa kanang tangke ako tumungo
malapit na ako sa may likod ng may narinig akong naguusap sa may likuran ng puno,sinilip ko ito at may dalawang lalaki na naguusap tungkol sa kung saan man yun.
Kinuha ko ang aking cellphone at tinext ang kauna unahang tao na makakatulong sa amin na umalis sa lugar na ito ng walang makakaalam.
"Axel"
Habang nagiintay ako ng reply mula sa kapatid ko biglang tumayo ang dalawang lalaki at humarap sa direksyon ko kaya.
'Mukhang mapapasabak ako ng walang backup ah'
Lumaki ang mata ng dalawa at nagkatinginan bago sumugod.
Susuntukin sana ako ng lalaki na red ang buhok at buti nakaiwas ako at nasuntok ko sya sa tiyan.gaganti ulit sana sya kaya lang naunahan ko sya at boom KNOCKOUT........Sumugod naman yung isa na may dalang pamalo at dahil hindi agad ako nakaiwas napalo nya ako sa ulo.
Napaluhod ako at meron akong nakitang isa pang tubo na mas malaki.
*smirk*
'Humanda ka'
Von's POV
Kumaripas ako ng takbo sa tangke sa kaliwa dahil gusto ko ako ang magliligtas sa kapatid ko.'Anong klaseng kuya ka ba von, simpleng pagprotekta sa kapatid mo hindi mo magawa wala kang kwenta'
Habang papalapit ako sa tangke pinakiramdaman ko ang paligid ngunit wala ni isang galaw o kaluskos akong nakuha kaya dali dali akong tumakbo sa kabilang tangke kung nasaan si Alec.
Nasa kalahati na ako ng eco park ng makasalubong ko si Axel na nagmamadali papunta sa tangke sa kanan.
Napatigil kami at nagkatinginan, tinanguan nya ako at sabay kaming tumakbo papunta sa kanang tangke.
Nasa may tabi na kami ng may narinig kaming ingay mula sa tunog ng tubo na patuloy na humahampas sa ding ding g tangke.
Sinilip ni Alex ang nangyayari at hindi ko alam kung bakit bigla syang tumakbo at yinakap ang isang lalaking nakatalikod na hinahampas nang tuloy tuloy ang isang lalaking duguan at may isa pang nakahandusay na at naliligo sa sarili niyang dugo.
'ALEC'
***********************************