Claire's POV
Nandito ako ngayon sa tapat ng hall. Naglalakad na ako papunta sa room. 6:30 palang ng umaga kaya ako at yung ibang staff palang ung nandito.
Tinitigan ko ng mabuti ung white stage sa harap ng field. Hindi ko alam pero parang may nagtutulak sa aking pumunta doon.
Hindi ko pa kasi nalilibot ung buong school kaya naisipan kong maglibot.
Pagpunta ko sa White stage may nakita akong stairs pababa na papunta palang gym at sa eco park.
Malaki ung gym dito sa school kasi dito daw ginaganap ang halos lahat ng activity ng school. Minsan naman dun sa field o kaya dun sa Hall.
Pagpasok ko ng gate ng Eco park napahanga ako sa ganda ng mga halaman na nandito. Meron ding nakalagay na name dun sa mga halaman para malaman kung anong tawag doon.
Pumasok ako sa isang green house na punong-puno ng mga herbal plants. Dito daw nakuha ng gamot ang school na nilalagay sa clinic.
Pumunta naman ako dun sa kubo na nasa pinakagitna nung Eco Park, napapalibutan ito ng mga bulaklak na rosas na merong iba't-ibang kulay.
naupo muna ako dun sa upuan na nasa loob nung kubo.Meron ditong 4 na upuan. Presko at sariwa ang hangin dito.
Habang nakaupo naalala ko ung sinabi ni
Pagkatapos lang ng halos 10 minutes nang pagmumuni- muni napagdesisyunan ko na pumunta na sa classroom.
Malapit na ako sa gate ng may nagtakip sa ilong ko nang panyo. Nahihilo akong napaupo dahil sa sobrang panghihina. Hanggang sa unti-unting nagdilin ang paningin ko.
Someone'sPOV
Kawawang Claire...kung hindi mo sana inagaw yung pwesto ko edit sana hindi Ito nang yayari sayo.
"Boss ok na po"sulpot ng aking servant
"Good job My Servant intayin na lang natin ang mga taong tatapos sa kanya"
Napalunok naman yung katabi ko
"Sigurado po ba kayo sa gagawin nyo?"
Tiningnan ko sya "Mukha ba akong nagbibiro?"
"H-hindi p-po"napayuko na kanang sya
"Ganun naman pala"
Tiningnan ko naman ang isang Claire na nakatali sa isang puno dito sa may eco park.
Dito ko talaga sya ipinatali dahil ito lang ang tanging lugar na hindi laging napupuntahan ng mga estudyante.
'kring.......kring......'
Biglang tumunog yung cellphone ko
Kuya Sam calling....
"Hello kuya??"
"Asan kayo??"
"Dito sa eco park"
"Sige pupunta na kami"
Ngumisi ako dahil malapit na ang katapusan mo.
Sayang hindi ka man lang nakapagpaalam sa pamilya mo,kung meron man.
Hahahahahahahah
3rd person's POV
Nagising si Claire na nakatali sa isang puno. Habang may isang babae at isang lalaki na naguusap sa may di kalayuan.
Pilit nyang inaaninag ang mukha ng dalawa at nalaman nya kung sino ang mga Ito??
'T-teka sya yung babae sa canteen noong inanouce ni unggoy na ako daw yung highchool sweetheart kuno nila'
Luminga siya sa paligid at tinitingnan kung saang parte ng school sya naroon.
'Nandito parin ako sa eco park'
Habang naguusap ang magkuya napansin ng lalaki na gumalaw si Claire.
"Sis, gising na ang prinsesa"nilingon ng lalaki ang kapatid
"That's good"ani ng babae habang nakatingin kay Claire na patuloy parin sa paglinga sa kanyang paligid.
Unti-unti namang lumapit ang babae at nakuha nito ang atensyon ni Claire.
"Well nagustuhan mo ba ang despidida ko sayo?"tanong ng babae
Lumunok naman si Claire at pilit itinatago ang takot sa kanyang mga mata.
Gustuhin man nyang sumigaw ay parang merong pumipigil sa kanya kaya tiningnan na lamang niya ng matalim ang babae sa kaniyang harapan.
"Ano bang kailangan mo sa akin!!???"-Claire
"Actually,WALA talaga akong kailangan sayo
Ang GUSTO ko lang mawala ka s buhay ni Alec at ni Axel dahil akin lang silang dalawa!!!!!!Naiintindihan Mo??"
"Simula nang dumating ka,nawala na ang pagiging sweet sa akin ni Alec at hindi na rin ako pinansin ni Axel. Tapos nagalit pa sa akin si Von dahil lang sa nangyari sa canteen at hindi pa yan, inagaw mo ang titolong dapat sa akin kaya dapat lang na mawala ka!!!!!!-galit na galit na ang babae at wala sa oras na kinuha ang isang kutsilyo na hawak ng kanyang kuya at itinapat sa leeg ni Claire.
Claire's POV
Kuya HELP ME...............
'ALEC!!!HELP ME'
*************************