Nathan
Nang makalabas na ako sa building, nasagasaan ako. Joke.
Derecho na ako sa Comm. Arts building. Comm 1131 kasi ako for second, then next class ko 2 na.
Edi the usual, tawag ng jeep then ayun. Sakay ta's baba.
"UY BREGSS! Wag snooob hoy!" Napatingin ako sa taong sinisigawan ako pag baba ko ng jeep.
"SEEEEEDD! Miss na kitang gago ka! HAHAHAHA!" Di ko napigilan at yumakap kay Sedric. Ang bakla nung 'miss na kita'. Wala eh. Sobrang naging busy kami ng banda sa college kaya minsan na lang kami magkita.
"Nabakla ka na pala Padilla! Ikaw talaga!"
"Anong Padilla?! Kadiri ka naman dre. Mas gwapo naman ako dun sa 'Neseye Ne Eng Lehet' na yun! Gago!" Napakanta pa tuloy ako ng di oras. Hahaha! Grabe, porke't kabuhok ko yung baklang yun eh Daniel Padilla na agad.
"Ang sama mo naman kay DJ! At least yun may tatlo nang albums eh ikaw?" Kinampihan pa ang mokong yun.
"Hoy Seth, sino ba talaga best friend mo? Tsaka may tanong ako."
"Mahal kita syempre noh. Ano ba yun?" Crush talaga ako nito forever. Sabi na nga ba.
"Dalawa na pala. Sige ah, sabihin mo yung totoo. Pag hindi, kalimutan mong magkaibigan tayo."
Kita kong napalunok siya. Hahaha humanda ka.
"Kailan ka pa naging fan ni Daniel Padilla?"
Napalaki yung mata niya ta's tumawa ng tumawa.
"HAHAHAHHA baliw ka na bahahhahahahah! Bakit hahaha ko hahahaha ohmygod Alex!" Nakakabwisit tawa niya kaya natawa na rin ako. Woohh.
"Okay, hindi ako fan ng mga may boses palaka at mga bakla noh. Hahaha baliw. Next question!" Whatever you say Seth.
"Crush mo ba ako? MAGSABI KA NG TOTOO!" Sabay kinwelyuhan ko.
After 10 seconds na nakatitig sa akin, nagsimula nanaman yung nakakabwisit niyang tawa. Aaahhhh! Nabitawan ko tuloy siya.
"Alam mo Alex, ang conceited mo! Nakakatawa ka na! Kung mawawala ang pagkalalaki ko, di naman yun sa'yo! Hahaha!"
Natigil na kami sa room ng Comm 1131.
"Oh paano ba yan, una na ako sa room ko. Text text na lang dre! Salamat sa paghatid!" Pumasok na ako sa room ko. Napansin kong nasa tabi ko pa rin si Sed.
"Gago ka ba? Dito rin ako noh! Salamat talaga sa paghatid ah! Tsaka text text na lang!" Sabi niya na may halong sarcasm.
Umupo na rin kami sa pinakadulo.
"Aba malay. Dito ka rin pala. De pare, kamusta love life?"
"........."
Pagtingin ko sa kanya, ayun, may ginagawa sa phone niya. Kaya pala hindi sumasagot eh.
"Hoy. Ano ba 'to ha?" Inagaw ko yung phone ko sa kanya. Good luck na lang kung makuha pa niya 'to.
"AY TANGINA AKIN NA NGA YAN!!"
Tinaas ko yung phone niya tapos binasa ko. Abaa. May ka-text pala ah.
"Hi honey my love so sweet! Hi Seth! Ano gawa mo? Ito nasa Math class ko. Good luck na lang ah. Salamat, ikaw saan ka na? Papunta sa Comm 1131 ko ikaw ba? Hahaha ako nandito pa rin sa Maths :P Sige ingat ka baka---"
"TAMA NA SABI EHHH ALEX NAMAN!"
HAHAHA! Kung nakita niyo lang talaga mukha niya. Pfffft.
"Oo na, oo na. Pfftt HAHAHAHA! You should've seen your face men! HAHAHA!"
"Tantanan mo ako sa kakaenglish mo Nathan Alexander ah. Nakooo."
Si Sed? Marunong yan magenglish. Mas magaling nga yan eh. Pero naiirita talaga siya pag kinausap mo siya ng english na wala sa oras.
"PA HUMBLE PA TO, Dami mong alam dre!"
"Nyeh nyeh. Whatever. Punta ako mamaya sa inyo tol."
"Sama mo yung banda, pati si Mycko."
"Wag na si Itsumi."
"May Itsumi pala sa banda. Last time I checked, KATsumi yun eh."
"Sabing tigilan mo ako sa English na yan eh. Di mo kilala si Itsumi? Kapatid ni Kats na laging nakabuntot?"
Wait lang.. Processing...
*FLASHBACK*
"Oh Kats nandito ka na pala! Tara tagay na! Wooohh!!" Siya na lang kasi hinihintay sa Bachelor's Party ni Kuya Lucas, kakasal kasi siya bukas kay ate Abigail eh.
"Hindi na, kasama ko si Itsumi eh. Baka malasing, di ko mauwi 'tong bubwit na 'to. WAITER! Dalawang Mango Shake please. Salamat."
**END OF FLASHBACK**
"AH YUN! Si Itsumi. Edi isama, maglaro sila ni Magui." Kapatid ko si Magui, mga kasing-taon ni Itsumi.
"Clingy."
"Cling siya dun kay Magui."
"K."
Bumalik na siya sa pangtetext tapos pumasok na rin yung Prof.
Edi ayun, lecture, lecture, ako kopya, kopya.
"Oh paano ba yan, kita na lang tayo maya bro."
"Sige bro. Ingat ka." Nag-apir kami ta's nagmanly hug. We parted ways na after that.
Since 2 na yung next class ko, nagpagdesisyunan ko na kumain na lang sa labas.
Nagpasundo ako sa driver ko at pagdating niya...
*facepalm*
Napailing na lang ako kasi dapat pala dinala ko na lang driver ko dito instead na magjeep ako. Pweh.
Dumeretso na kami sa Trinoma, yun kasi yung pinakamalapit na mall from UPD.
10:30 pa lang naman kaya nagikot ikot muna ako sa mall. Hmm. Bibili na lang ako ng bagong set ng libro ko. Tsaka titingin ako ng mga case ng phone.
Oh bakit? Magastos ako pagdating sa mga phone cases. Babae na kung babae pero mahilig talaga ako dun.
Napadpad agad ako sa NBS. Tumingin ako ng books, tapos ayun nung may nakita ako na nagustuhan ko, binili ko na. Edi tingin pa ako, tingin, tingin, BOOM! Nakita ko na yung hinahanap ko. Pagkakuha ko...
"Alexander?"