Nathan
*kringggg*
Ughh.. Simula nanaman ng isang araw. Psh. Corny.
Pinatay ko na yung alarm tapos bumangon na rin. Hmm. Naligo na ako tapos nagbihis na lang ng simple. Sus. Papasok lang naman eh.
Sinukbit ko yung bag ko sa balikat ko tapos sinalampak yung headphones sa leeg ko. Nagsuot na ako ng sapatos. Black na Vans, para bagay sa suot ko.
Bumaba na ako at umupo sa gitna ng mesa.
"Good Morning Alex. O kain ka na." Bungad sa akin ni Nay Winnie. Mayordoma namin sa bahay at nandito na siya simula bata pa lang ako.
"Good morning din po Nay Winnie. Teka, sabay na po tayo kumain." Okay lang, ang dami kayang pagkain. Para namang mauubos eh tatlo lang naman kami nila Luke at Aria. Parents ko? Ayun nasa America. Trabaho, trabaho, trabaho.
"Hindi na. Hihintayin ka na lang namin na matapos."
"Sige po, basta po kumain kayo ng kahit ano diyan. Ah, si Luke at Aria po?" Psh. Usually naman kasabay ko kumain si Luke.
"Si Luke umalis na kanina pang ala-syete. Si Aria ayun tulog pa." Syempre tulog pa. As expected.
"Ganun po ba? Wag niyo pong tirahan ng pagkain si Aria. Sabihin niyo na binaon ko lahat ng pagkain." Nyehehe. Kasalanan niya, di siya gumigising eh. Hello? 10 na kaya!
"Baka magalit siya---"
"Ako po nagsabi sa'yo niyan." Napabuntong-hinga na lang si Nay Winnie.
"Bahala ka na nga, Alex. Ang sama mo talaga sa kapatid mo ano? Pag ako nalagot diyan." Hehe. Talaga!
"Oo na po. Mauna na 'ko byeee" Sabay kuha sa bag ko ta's alis.
Pinuntahan ko yung guard tapos sinabi ko na istart yung van kasi hindi pa tapos yung driver namin magbihis. Pfft! Kukunin ko lang yung susi ng Vios ko. Paano pinagbawalan nga ako magdrive ni Mama diba? Tss. Nalasing kasi ako ta's nagdrive ako. Nakarating kay mama kaya ayun. Kinuha lahat ng kotse ko.
"Ford Expedition, CRV, Altis, Chevrolet, Starex, Savanna-Black, Savanna-White, Tucson, Montero Sport, Vios-Silver, Vios-Maroon, Vios-Black AYUN!" Nahanap ko rin yung susi. Iniwan ko yung main key tapos kinuha yung spare. Mwahaha.
"Sir okay na po. Nandun na po si Ed." Pagkasabi niya ay kakasara ko lang nung cabinet niya na nakalock na ngayon. Sakto!
"Ganun? Sige pabukas na lang yung gate ng garage A tsaka yung main gate." pumayag ka o babangain ko yung gate.
"Ahhh... Ehh.."
"Oh bakit?"
"Wala po. Wala po. Sige po bubuksan ko na." Sabay takbo sa station niya. Muntik na ako dun ah! Pero may pagkatanga rin pala 'tong guard na 'to eh.
Binuksan ko yung kotse (vios) at inistart ang engine. Para pagkabukas eh deretso na ako palabas. Nyeh.
"In 3....2....1."
*creaaaakkkkkk*
*woooooossshhhhh*
"Ser NathAAAANNN!" Yun na ang huli kong narinig na sigaw ng guard. Woohoo! Success!
Binilisan ko pa rin kasi baka tumawag yung guard sa guardhouse ng Subdivision namin na wag ako palabasin. Nangyari na kasi yun dati eh.
"YES! BOOMSHAKALAKA YEAHHH!!"