Nathan
Today is the start of my misery.
No joke. Pramis.
Kinuha lang naman ng magaling kong nanay ang aking mga kotse.
Isko ata ako. AT DAHIL DUN AY PALIPAT LIPAT KAMI NG BUILDING PER SLOT.
TATLONG paraan para makapunta ka sa building mo: Jeep, Lakad, o kotse mo. Eh diba nga magaling ang nanay ko, malamang jeep ako.
Yung jeep, ikot naman yan ng ikot eh. Kaya madali silang hanapin. Pero nagsasakay sila at nagbababa kung kailan nila gusto!
Tas pag naglakad ka, ABA! Para kang nag-work out, wag ka na lang kaya mag-PE?
Pero syempre, hindi ako madramang tao (Weh). Nakasuot lang ako ng earphones at nakikinig sa Eheads habang naghihintay ng jeep. Oh yeaahh.
Sakto namang may tumapat na jeep sakin papunta sa Math 34 building ko. Sumakay na ako at pinausog ang babaeng nasa tabi ko. Tumabi naman siya pero inirapan nya ako pagkatapos. Wooow.
Nakinig na muna ako habang paikot-ikot at patigil-tigil ang jeep. Habang nakikinig ako sa 'Pare Ko' ng Eheads, may nangyaring di ko inaasahan.
"Inlab ako, sa isang kolehiyana, hindi ko maintindihan....."
Kasabay nang sabi ng Eheads ay may pumasok na babae na ewan ko, hindi siya ganun kaganda, pero may naramdaman ako.
Wag sana akong matamaan.
"Kuya? Gumagalaw na po eh. Patabi naman po."
"HAAAAAA??!!" Nabulabog ako sa iniisip ko. Bakit siya nasa harap ko? Hala ka ngayon Nathan, katapusan mo na.
"Pausog naman po." O edi umusog. Usog pa.
"Ayan. Okay na?"
"Pwede po sa kabila? Ayoko diyan eh." TURN OFF!Ang arte naman nito. Wooow. Kung hindi lang 'to babae eh, tss. Naupakan ko na 'to. Umusog na lang ako.
Tumuloy na lang ako sa pagssoundtrip, pero syempre nagmamasid pa rin kasi baka lumampas sa building.
Nang makita ko ang building ng Maths, bumaba na ako. Nagkasabay pa nga kami ng babaeng katabi ko eh.
Dumerecho na ako sa klase ko. Napansin ko ring nakasunod lang sa 'kin yung babae. Weird.
"Miss? Baka nalampasan mo na klase mo. Math 34 na dito eh."
Paano ba yun? Nasapian ata ako ng magandang ispiritu eh. Wahahaha
Pero imbes na magthank you..... Nabato ako ng notebook ng di oras. "Ang sama mo namang ugok ka! FYI Math 34 rin ako noh!? Che! Dyan ka na nga!" At ayun pumasok na siya sa room ko. Shit! Blockmate ko pa pala siya.
Pumasok na ako. Same same pa rin. Kahit last year ay Math 17 pa lang, ganyan na yan.
May mga nagssoundtrip, may nagbbasa ng libro, may mga naguusap, may mga gangsters na ewan ko kung ano ginagawa. Tapos may naglalampungan, juice colored di na nahiya.
"NANDYAN NA SI PROOOOF!" Sigaw ng isang nerd. Tss.
Wala na akong nagawa at umupo sa nag-iisang upuan na natira. At sa tabi yun ng babae kanina. Okay na sana siya eh, kaya lang grabe naman kamaldita.
"Good Morning everyone! To start off, I will introduce myself. I am Prof. Francisco, your prof. in Math 34. That's all and I will now start my discussion."
First day na first day, discussion. Who does that? So anyways, nakinig na lang ako. Baka paLBC pa ako ni dad sa California eh. I never wanted to be an exchange student.
In any case, I am Nathan Alexander Montefiore III, Heir to one of the most succesful companies of the world, The Bachelors. I actually had a choice to study at prestigious schools like Enderun Colleges, but I chose UP. Why? I think in advance, yes. Kasi I heard that UP is very liberated. That's true- you can actually use your phone during classes, and your prof doesn't give a fuck about it. Another thing is that UP is a mirror to the real world. Studying in UP is helping you experience what's being independent. Like budgeting your allowance between your lunch, meriendas, and your jeep fare. And basically, I want to live in the real world, where everything's fair and hindi porke't mayaman ka, you rule the world.
"That's it for today, unless you have double periods with me. You may now proceed with your next class." Nagsialisan na mga tao dun. Ta's ako, nasira drama ko. Nubayun.
Lumabas na rin ako papunta sa next class ko. Pero SPEAKING OF THE DEVIL.
"PUTCHA!" "ARAY!"
Sabay kaming lumabas sa pintuan kaya ayun nagkauntugan. Hay ano ba gusto niyo mangyari sa 'min.
"IKAW! Kanina ka pang gago ka, ano ba problema mo sa 'kin? Stalker lang?"
"Feeling mo naman! Tss. Di ka naman maganda eh!" May itsura siya pero, yuck! Di naman siya ganun kaganda para magustuhan ko eh. Gwapo kaya ako, hello?
"WOOHH GRABE! Gwapo kasi kausap ko di ba? Sige na, mauna na ako kasi mahangin dito. Mahirap na, baka liparin ako't mawalan ng maganda sa Pilipinas." Naglakad na siya palayo pero sinigawan ko siya,
"INGAT KA AH! Bulag ka pa naman. Kaharap mo na nga, di mo pa madescribe ng maayos. Geh!" Naglakad na rin ako sa kabilang daan.