Part 4

1.4K 21 5
                                    



SHAM


"Ano bang laban ng team mo sa team ko?"


Nakangiting sabi ni Morri sa akin. Isa siya sa kasabay ko laging kumain. Madami naman kami laging magkakasabay kaya naging kaclose ko na talaga siya. Noong una crush ko siya kaya umiiwas ako. Kaso nag asawa na siya kaya ok na ako na makipaglapit sa kanya.


"Basta tuloy ang pustahan. Ilang minutes na lang yung game. Kung sinong talo ililibre ng banana shake."

Basketball kasi yung pinapanuod nila sa FB Live. Sakto breaktime din namin. Lagi ko siyang kapustahan pag basketball. Hindi naman kami lumalampas sa 200 php na halaga na pustahan. Katuwaan lang talaga ito.  Inaabala ko ang sarili ko sa pagkain ko. Si Six katabi ko. Wala namang nahahalata ang mga tropa namin kung anong meron sa amin. Pero medyo duda ako kasi kung ano anong pinagkwekwentuhan ng mga lalaki.


"Gusto mo?"

Alok ni Six ng ulam niya. Umiling lang ako. Alam ko na wala na akong kawala sa sitwasyon pero ayaw ko naman na ibulgar sa lahat ang pagkakamali na ginagawa ko. Buti nga hindi ako nabuntis. Kaya bago pa mangyari yun nagpaturok na agad ako para masigurado na walang magiging bungang anak ang ginagawa naming kalokohan ni Six.


Nagulat ako ng iabot sa akin ni Morri yung banana shake. Hindi ko namalayan na tapos na pala ang laro.


"Lagi na lang akong talo sa'yo, Sham. Sa sunod date na yung pustahan natin."

Nakakalokong ngiti ni Morri. Alam ko naman na nagbibiro lang ito. Mas matagal ko siyang tropa kay Six. Inaanak ko nga ang panganay niya.



"Sige lang. Tas isama natin si Mare."

Nakangiting sabi ko sa kanya. Nagulat ako ng pisilin ni Six ang hita ko. Pagtingin ko sa kanya ang seryoso lang niya.


"Paano naman kita masosolo noon? Di ba may usapan tayo? Pag wala kang maging boyfriend at kailangan mo lang ng anak. Handa akong maging sperm donor mo. Walang malisya."


Minsan yun nga ang biruan namin. Dahil sa tingin daw niya wala akong balak mag asawa. Sayang daw yung SSS benefits na makukuha ko. Ang kulit lang.


"Kung magiging kasing gwapo ng inaanak ko ang magiging anak ko bakit hindi?"

Tapos ang loko nakipag apir pa sa kanya. Lalo lang hindi nagsalita si Six sa tabi ko. Wala naman kasi siyang magagawa. Hindi naman kasi niya pwedeng ipagsigawan kung anong meron kami. Bukod sa wala naman ngang kami. Bawal pa.

Minsan naguguluhan din ako bakit nga ba ako nasa sitwasyon na ito? Yung hinahayaan ko ang sarili ko na may sinisira akong pamilya. Gusto kong lumayo. Pero bakit ako? Stable na ang trabaho ko. Bakit ako yung mag uumpisa ulit?  Sa aming dalawa ako ang agrabyado. Sa aming dalawa siya ang may kakayahang magpigil noong oras na yun. Pero sinamantala niya din ang kahinaan ko. Kaya bakit ako ang kailangang mag adjust sa lahat ng ito?


"Pinagseselos mo ba ako?"

Seryosong tanong ni Six sa akin noong makabalik kami sa production area


"Bakit naman kita pagseselosin? May mapapala ba ako? Akin ka ba?"



Ni hindi ko siya tiningnan.  Nakakapagod na. Oo nakakapagod na ginagabi gabi niya ako pero nakakapagod sa puso at utak ang sitwasyon. Yung kaligayahan niyang binibigay sa akin ay doble dobleng sakit naman ang dulot.

"Huwag ka na pa lang pupunta sa bahay. Pag nanggulo ka doon ipapadampot na kita sa Barangay tanod. Hindi mo naman siguro gusto na tubusin ka ng asawa mo dahil lang sa nagwawala ka sa labas ng bahay ng ibang babae."



Nagulat ako nang bigla niya akong iharap sa kanya. Kahit may safety goggles itong suot kitang kita yung galit sa mata niya.


"Bakit mo ba ginagawa ito? Ayos naman tayo kagabi?"

Mahinang pagkakasabi nito pero bakas ang galit sa boses niya



"Hindi kailan man tayo naging ayos Six. Huwag kang maging bulag sa sitwasyon natin. Nakakabulag ba ang libog?"

Tinalikuran ko na siya. Nakakatawa lang din nga. Sa kakaiwas kong magmahal sa may asawa ako bumagsak. Kung alam ko lang na masasaktan ako ng ganito sana kay Morri na lang ako sumugal noon nung wala pa siyang asawa. May moment naman kami dati kaso inilayo ko ang sarili ko. Ngayon nagsisisi ako.


Buong shift namin hindi na ako ginulo ni Six. Kahit yung kumain ulit kami nung hapon hindi siya sa akin tumabi. Nagkataon naman na si Morri yung tumabi sa akin. Ito sigurado ako na hindi ako papatol kay Morri. Ano yun? Umiwas sa may asawa para pumatol sa may asawa  ulit? What a concept.


"Hatid kita maya Sham."

"Tigilan mo ako Morri. Alalahanin mo may number ako ng asawa mo."


"Kaya nga. Pamilya ang turing ko sa'yo. Kung pwede lang na doon ka muna sa bahay para hindi ka kulitin ni Six."


Sobrang nagulat ako sa sinabi niya. Ni hindi ko alam ang sasabihin ko.


"Sino pang nakakaalam?"

Mahinang sabi ko. Nakakahiya. Gusto kong ilubog ang sarili ko sa kinauupuan ko. 


"Wala. Ako lang." Mahinang sabi ni Morri. Mas lumapit siya sa akin kaya nakita ko ang pagkunot lalo ng noo ni Six na nakatingin sa amin. "Sa totoo lang nagulat ako. Akala ko yun lang sa resort yung nangyari kasi nakita ko na pumasok kayo sa isang kwarto. Hinayaan ko lang kasi matatanda na naman kayo. Saka alam ko na hindi ka papasok sa sitwasyon. Hinayaan ko lang kayo noon kasi akala ko hangggang doon lang. Pero mali ako. Kaibigan kita kaya gusto kong mangialam sa sitwasyon."

"Morri, pinilit kong lumayo nung una. Pero ayaw ko ng eskandalo. Nanggulo siya sa bahay noon. Anong magagawa ko? Oo aminado ako na attracted ako sa kanya. Pero hindi pa din kaya ng sarili ko na magpatuloy."


Hinawakan niya ang kamay ko. Tumayo si Six. Akala ko gagawa siya ng eksena. Pero umalis lang ito.


"Kaya nga andito ako. Sa bahay ka muna."


Malas man ako sa pagmamahal atleast maswerte ako sa kaibigan. Pero alam ko na hindi pa ito tapos. Ang pag iwas ko kay Six ay hindi tatapos ng problema ko.


_casper_

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

6/9 (Fraction Of LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon