Napakagandang umaga para sa mga magsasakang umaani ng kanilang mga Gulay. Napaka preskong hangin, mga punong matataas na pawang sumasayaw dahil sa hangin. Masaya talaga sa probinsiya ngunit malayo ito sa Lungsod.Tiningala ko ang kalangitan upang pagmasdan ang kagandahan nito. Subalit mas nalungkot ako sa kadahilanang, bakit hindi natin maaabot ang napakagandang kalangitan. Ganito rin ba ang mga taong mayayaman kahit anong gawin natin hindi pa rin natin sila maabot. We're not like them, they are treating the poor people as their slaves, maids, and their followers.
Kaya nga ako nag-aaral ng mabuti para maiahon ko naman sa hirap ang aming pamilya. Kahit magsasaka ang aking magulang, hindi naman sila nagkulang sa pag-aaruga sa amin. They are the best parents and I'm really proud of having them.