Isang linggong pagdadalamhati ay hindi pa sapat yon para tuluyan naming makalimutan ang pagkawala ni itay. Subalit kailangan ko paring ituloy ang aking pag-aaral, may pangako ako na kailangan kong tuparin.
Alas siyete pa lang ng umaga ay nakabihis na ako para pumasok sa eskwela. Ang aking kapatid ay nasa ika-anim na baitang pa lamang. At si Inay naman ay pumunta na sa kanyang pinagtatrabahuan, bilang isang labandera.
Ni-lock ko ang pinto bago lumakad papuntang eskwela, kasabay ko ang aking kapatid dahil iisa lamang ang aming paaralan, merong High School at elementarya.
Napabuntong hininga ako habang minamasdan ko ang aking kapatid na matamlay na lumalakad.
"Ako nalang ang magdadala ng bag mo Hera" sabi ko sa kanya.
Agad naman itong napahinto at tiningnan ako na wari mo'y nagtataka.
"Bakit ate?" Sabi niya habang papalapit sa akin.
"Baka kasi mabigat, halika at ako na ang magdadala" nginitian ko siya habang kinukuha ang kanyang bag na nasa likuran niya.
"Ok lang naman ate eh, di naman mabigat"
Aniya."Huwag ka nang magreklamo, I insist"
Agad niya rin akong tinalikuran at ipinagpatuloy namin ang paglalakad.*****
"This coming Thursday, your parents should attend this meeting. Idi-discuss dito ang mga requirements niyo para sa inyong graduation day. Kindly give this letter to your parents. And I'm expecting na lahat ng parents niyo ay aattend."
Sabi ng aming guro habang binibigay ang letter para ibigay sa aming magulang.
Lahat ng mga kaklase ko ay masaya sa darating na graduation. Ngunit ako, hindi ko alam kung makapag college pa ba ako. Wala kaming pera para sa pag-aaral ko. Pwera nalang kung ako ang Valedictorian siguradong makakakuha ako ng Scholarship.
Subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ina-announce ng mga guro kung sino.
Sumapit ang hapon na kailangan na naming umuwi. Palabas pa lang ako ng School ng may tumawag sa akin. Hindi ko rin alam kung sino, naglalakad ang isang napakagwapong lalaki papalapit sa akin nang may ngiti sa kanyang labi.
"Thank god!, nakita rin kita"
Hapo niyang sabi."Bakit? May kailangan ka?"
Sabi ko na nagtataka. Siya yung lalaki sa last section, na kahit mga bakla nagkakagusto sa kanya.Napakagat siya sa kanyang labi habang ang mga mata'y di makatingin ng diritso. Palinga linga na parang may hinahanap.
Napatingin naman ako sa aking likod. Pero wala namang tao.
"Hmm, may kasama ka ba para umuwi?"
Sabi niya na parang nahihiya.Ako rin ay nagtataka, what's with him?
"Wala, bakit?"
" Pwede bang sumabay? Kahit ngayon lang." Aniya
Akala ko pa naman kung ano. Napatango naman ako.
"Salamat, ang bait mo pala no"
Sabi niya habang kami'y naglalakad.
"Di naman, ngayon lang siguro. Ay, oo nga pala, saan pala yung bahay niyo?"
"Sa Roxas pa eh" Aniya
Nanlaki ang aking mata. Malayo pa pala ang kanilang bahay bakit pa siya sumabay sa akin.
"Bakit ka pa sumabay, sa kabilang kanto pa pala yung sa inyo. Sumakay na nalang sana ng jeep pauwi". Sabi ko sa kanya
"Ok lang, ako naman yung may gusto eh. Gusto rin sana kitang makilala"
Sabi niya sa akin na nakangiti.Napamula ang aking pisngi sa kanyang sinabi.
"Wala namang ka interesting ang buhay ko. Mahirap lang kami at may isa akong kapatid. Nanay ko naman isang labandera."
Napatango tango siya sa mga sinabi ko."Hindi naman ako tumitingin sa antas ng buhay. Gusto kita dahil mabait ka."
Hindi ko narinig ang huli niyang sinabi. Pinabayaan ko nalang.
Namuo ang katahimikan at wala ng nagtangkang magsalita. Di ko namalayan na nasa harapan na pala kami ng aming bahay.
"Dito nalang ako, hmm. Ano nga yung pangalan mo? Sorry ngayon lang kasi tayo nagkausap."
Dali dali niyang nilahang ang kanyang kamay.
"Hi Amethyst, ako nga pala si Skinner Paredes, ang lalaking na love at first sight sa iyong angking kagandahan. Nice to finally meet you"
Napatawa ako sa pagpapakilala niya.
"Nice to meet you too Kin. Sige, papasok na ako. Mag-iingat ka"
Kinawayan ko siya habang ito naman ay papalayo na.
Papasok ako sa bahay ng namataan ko ang aking kapatid na hinihilot ang likod ni inay. Napabuntong hininga ako, kung graduate na sana ako at nagkatrabaho ay gusto kung itigil na ni inay ang paglalaba.
Pinatong ko ang bag ko sa aming maliit na lamesa at pinuntahan ko silang dalawa.
"Ako na muna diyan Hera, pumasok ka na sa iyong kwarto at sagutan mo ang iyong mga takdang-aralin."
Pagka-alis ni Hera ako naman ang humilot ng likod ni Inay."Sabi ko naman sa inyo inay, kailangan mo ng itigil ang paglalaba mo. Pumapayat ka na, di ko gusto na ikaw rin ay mawala."
Tumulo ang aking luha, agad kong pinahid para hindi makita ni inay na ako ay umiiyak.
"Amy anak, gusto ko lang makapagtapos ka. Para kung nakagraduate ka na, matutulungan mo rin ang kapatid mo. Kahit mawala ako, mapapanatag ang aking loob dahil alam kong kaya niyo na kahit wala na ako"
Hinawakan ni inay ang aking kamay. Napahikbi ako sa kanyang sinabi. Ikaw nalang ang nandito inay, huwag mo rin sana kaming iwan.
Humarap siya at pinahidan niya ang aking mga luha. Ngumingiti ito habang hinahaplos ang aking mukha.
"Ang napakaganda kong anak, huwag ka ng umiyak. Pumapangit ka."
Napatawa ako. Ngunit di pa rin mawala ang sakit na aking nararamdaman. Napakasakit mawalan ng pamilya. Kung sana pwedeng ibalik ang panahon, gagawin ko.
******
Happy Reading⚘😊