Dalawang linggo na rin ang nakalipas ng matapos ang graduation ko.
"Nay, punta muna po ako sa palengke! Bibili lang po ako ng pang-ulam natin!"
Sabi ko kay inay, habang siya ay nasa likod ng bahay namin na naglalaba.
"Oo nak, bumili ka na rin ng bigas para may makakain tayo mamayang gabi"
"Opo nay"
Kinuha ko ang aking sling bag at umalis na.
Pagkarating ko sa palengke, namili agad ako ng mga sariwang gulay at isda.
"Manang Silya, magkano po ang talong?"
Tanong ko kay manang silya."Singkwenta lang ang kilo niyan Amy"
Kilala na ako ng karamihan sa mga nagtitinda dito dahil sa palagi akong tumutulong sa kanila pag wala akong pasok.
"Ang mahal naman Manang Silya"
"O sya, trenta nalang yan para sayo"
Napangiti ako, kinuha ko ang pera na nasa wallet ko.
"Salamat manang silya!"
Kinuha ko sa kanya ang cellophane na pinaglalagyan ng talong.
"Ikaw pa, O sya, paki kumusta nalang ako sa Inay mo."
"No problem po manang, makakarating po yan!"
Nakangiti kong sabi sa kanya. Nagpaalam agad ako kay manang Silya para bumili ng karne. Malaki-laki na rin ang natipid ko, lahat ng napagbilhan ko ay pinatawad ako.
Habang ako'y namimili ng karne. May damuhong lumapit sa akin.
" May labs!, kumusta?, ngayon ka lang nakabalik dito ah"
Sabi ni Gardo, kahit pawis na pawis na ito dikit ng dikit pa rin ito sa akin.
"Maganda ang mood ko ngayon Gardo, huwag kang mambuwiset"
Tinulak ko siya palayo sa akin. Pawisan na nga may paputok pang dala. Ngipin rin niyang mala gold na akala mo isang taong walang sipilyo.
"May labs naman, ngayon ka lang nga dumalaw sa akin. Tapos ginaganyan mo pa ako. Nasasaktan rin ako"
Sabi niya na nagdadrama. Feeling niya ikinagwapo niya na yan.
"Wala akong pakialam Gardo. Pwede ba pabayaan mo na ako. Marami pa akong bibilhin."
"Tulungan na kita" kinuha niya ang basket kong dala pero agad ko namang kinuha iyon.
"Huwag na"
"Aba'y ining sagutin mo na iyang si Gardo. Masipag iyan, swerte ka pag naging boypren mo iyan" sabi ng matanda na nagtitinda ng karne.
Masipag nga, hindi naman marunong maligo.
"Oo nga manang!, pakipot nga lang si may labs!" Ani niya,labas ang kanyang mala gold na ngipin na pwede nang isangla.
"Kalahating kilo nalang po nitong karneng baboy"
Para maiba naman ang usapan at para makaalis na rin ako dito.
"Mas gumaganda ka ngayon sa paningin ko may labs"
"Huwag ako ang lokohin mo Gardo, yung mga babaeng nasa bar nalang sabihan mo nang ganyan"
Kinuha ko ang supot na bigay ni manang pati na rin ang sukli. Dali dali akong tumalikod upang umalis na.
"May labs! Huwag mo naman akong iwan!"
"Gardo! Yung trabaho mo dito"
Mabuti naman at may tumawag sa kanya, kaya hindi na nakasunod. Bata pa lang kami ng magkakilala kami ni Gardo, at mula pagkabata hindi na yan nagsisipilyo. Ako na ang lumayo noong nagtapat siya na may gusto siya sa akin. Hindi ko lang talaga gusto pag lumapit siya sa akin, dahil na rin sa bango ng bunganga niya, nakakamatay.