Rose POV:
Ang aga kong nagising ngayon, mga five ata at eight pa yung klase ko kaya napagdesisyonan kong maglakadlakad muna sa village namin. Syempre dala ko ang camera ko kasi mahilig akong magpicture
Nung andun pako sa States ay lagi akong pumupunta sa mga magagandang lugar para kumuha ng mga picture
Minsan nagkakapera rin ako dahil dun kasi may mga interesado sa mga kuha ko, suportado rin naman ako nila mama hindi sila nagagalit dahil kumikita ako ng sarili kong pera, masaya pa nga sila eh
May kumukuha rin naman sakin para maging photographer sa mga wedding at iba pang occasions pero minsan lang akong tumatangap dahil may iba pa akong ginagawa bukod dun.
Nagstart na akong kumuha ng mga pictures sa paligid
Maganda rin naman pala ang village kaya hindi naman boring tingnan yung paligid
Pansin ko lang mayayaman ang mga nakatira dito, ayos ng mga bahay eh
Napipicture lang ako nung makakita ako ng park sa gitna ng village kaya dali dali akong pumunta duon.
Walang tao kaya makakapag-concentrate ako sa pagpipicture
Habang nagpipicture may narinig akong tawanan kaya napatigil ako. Hinanap ko kung saan galing yung boses at ang nahanap ko ay......
Grupo lang namn ng mga lalake na pinapalibutan ang isang babae, at sa nakikita ko nakikipagsagutan pa yung babae
"Diba sabi ko sa inyo na tigilan niyo na ako, kasi kahit anong pilit niyo hindi nako babalik" sabi nung babae
"Alam mo ang kaya kong gawin sayo, kaya kung ako sayo sumunod ka nalang " sabi nung parang lider ata nung grupo
Alam ko na, mga gangster pala tong mga to.
So gangster pala yung babae at pinapabalik siya sa grupo nung mga lalake pero ayaw na niya
At tsaka bakit ba ganito ang mga gangster na babae dito sa Pilipinas hindi obvious na gangster - _ -'
"Sabi nang ayaw ko eh" sabi nung babae at sinuntok yung lalakeng humawak sa kanya hahaha
Ayun nagsuntukan na sila at kawawa yung babae kasi siya lang mag-isa tapos labing dalawa sila
Matulungan na nga, miss ko narin manuntok hahaha joke
"Tss unfair niyo maglaban 1 vs 12 , babae vs lalake? Hmmm para naman maging patas sali ako para maging 2 vs 12" sabi ko dahilan para mapatingin sila sakin
"Pero mukhang mas malakas pa siya sa inyo ha, kasi mukhang takot kayo eh nagdala ba naman ng maraming alalay" sabi ko sabay iling
"Yabang mo ah" sabi ng isa sa mga lalake
"Miss umalis kana dito, baka mapahamak kapa" sabi nung babae
"Wow teh sa lagay mong yan, nagaalala ka pa talaga sa ibang tao, isipin mo naman misan sarili mo. Maging makasarili din pag may time" natatawang sabi ko
"Sige nga tingnan natin kung kaya mo rin ipagtanggol ang sarili mo" sabi nung isang lalake sakin
At sinubukan pa akong suntukin pero syempre naiwasan ko yun, ako pa
Sinuntok ko mukha niya at sinipa siya kaya ayun nawalan ng malay
"Knocked out agad? " pabirong tanong ko
Pagtingin ko sa kanila as in yung mga mukha nila nganga, hahaha I know right
Natauhan rin naman agad kaya sinugod nila ako pati narin yung babae