Nakita ni Danielle ang humahangos na si Andi patungo sa kinaroroonan niya. Andrew or Andi was her best friend.
"Dani, are you ok? I saw everything." nag-aalalang sabi ni Andi.
She faked a smile. "Alam mo naman Andi lahat di ba? You know I'm not ok. I was never the same ever since he broke up with me."
Niyakap siya nito. Once again, Danielle heard gasps from people and she almost rolled her eyes. Sanay na siya sa ganyang reaksyon kapag kasama niya si Andi. Hindi na iyon bago. Rumor na sa school na boyfriend niya at hindi lang best friend si Andi, pero malabong mangyari iyon. The campus crowd doesn't know a thing about the real relationship she have with him, so they, Andi and her, don't give a damn about everything they said. May bad reputation din siya sa school as a bitch dahil pinagsabay niya raw si Nico at Andi. Pinagtawanan niya na lang ang tsismis na iyon kahit nasasaktan siya sa maling akusa ng mga ito sa kanya.
"I'm always here for you Dani ok."
Napangiti siya. "I know."
Katulad niya, Andi was a campus figure too. Pretty boy ito ng school. Maraming babae ang nagkakagusto dito pero alam niya na wala itong nagugustuhan isa man sa mga babaeng iyon. Classmate niya ang lalaki sa business management course na kinukuha niya. Freshman pa lang ay magkakilala na sila nito. Ito palagi ang kasama niya. Super close sila, alam nito lahat ng tungkol sa kanya, maging ang tungkol sa kanila ni Nico. Kaya alam nito kung gaano kasakit ang pinagdadaanan niya ngayon dahil sa break up nila ni Nico.
Their break up was not a mutual decision pero wala siyang nagawa para maisalba pa ang relasyon nila dahil buo na ang pasya ni Nico. Ang ipinagtataka niya lang ay kung bakit ito galit sa kanya since wala siyang matandaan na ginawa niya na mali rito o sa relasyon nila. Madalas nga lang na si Andi ang dahilan ng pag-aaway nilang dalawa noon. Sinabi ni Nico sa kanya na hindi nito matagalan ang ugali niya, pero alam niyang hindi iyon ang totoong dahilan para makipaghiwalay ito sa kanya.
Surely, she was aware she was bitchy sometimes pero sinabi nito sa kanya noong una pa lang ng relasyon nila na tanggap nito ang lahat sa kanya kahit ang mga bad attitudes niya and vice versa. Tanggap niya rin ang lahat dito kung kaya't hindi niya maintindihan kung bakit iyon pa ang naging dahilan nito. She was sensing Nico wasn't telling her the truth. She knew that wasn't the reason why.
"Do you wanna go home?" untag ni Andi sa kanya.
Tumango siya kay Andi. "Please."
PAGDATING ni Danielle sa bahay, agad siyang nagdiretso sa kwarto niya. Pakiramdam niya, pagod na pagod siya. Agad siyang nahiga sa kama. Pumikit siya, parang gusto niyang matulog at hindi na gumising, atleast hanggat hindi sila maayos ni Nico. Gusto niya pag gising niya ay maayos na ang lahat na parang walang nangyari. Na parang hindi sila naghiwalay ni Nico pero alam niyang imposibleng mangyari iyon.
Namalayan niya na lang na tumulo na ang luha niya. Hindi niya iyon pinagkaabalahang punasan, sa halip hinayaan niyang dumaloy ang luha sa pisngi niya. Kung makikita siya ni Andi alam niyang pagagalitan siya nito, palagi nitong sinasabi na huwag na siyang umiyak, na maging matapang siya.
Akala niya matapang na siya, na wala na sa kanya ang lahat. Ilang beses niyang gustong patunayan iyon pero palagi siyang nabibigo. Miss na miss na niya si Nico. Hindi niya na alam ang gagawin niya para lang bumalik ito sa kanya.
Nagmulat siya ng mata at pinunasan ang luha niya nang makarinig siya ng pagkatok.
Pagbukas niya ng pintuan, nakita niya ang nakangiting mommy niya.
"Sinabi ng kasambahay na nandito ka na daw. May I come in?" nakangiting tanong nito kahit kita niya ang pag-aalala sa mukha nito.
"Of course Ma. Hindi ka ba nagpunta sa botique?" pilit ang ngiting tanong niya. They both sat at the edge of the bed.
Ang botique na tinutukoy niya ay pagmamay-ari ng mommy niya. Sikat na designer ito hindi lang dito maging sa ibang bansa man. Beau Monde ang pangalan ng botique nito. Madalas puro sikat na tao ang nagsusuot ng mga gawa ng ina niya. Bukod sa damit, nasa linya din ito ng pag gawa ng bag at sapatos. Kaya business course ang kinuha niya ay dahil sa alam niyang siya ang magmamanage ng botique ng mommy niya since wala sa isip niya na ang kumpanya ng daddy niya ang pamahalaan someday. Paggraduate niya, pupunta siya sa Paris para mag-aral ng fashion and design. Alam niya sa una pa lang na doon na ang linya niya. She loved fashion, infact kilala siya bilang fashionista sa school. Image at ramp model din siya ng botique nila.
"I went there pero maaga akong umuwi, medyo sumakit ang ulo ko but don't worry I am fine now. What about you hija? Are you ok? Maaga kang umuwi ngayon. Is something wrong?"
Umiling siya. "I am fine Mom. Like you, sumakit din ang ulo ko that's why I decided to go home early."
Ngumiti ito ng matipid bago nito hinawakan ang dalawa niyang kamay. "Have you been crying again Danielle?"
![](https://img.wattpad.com/cover/12014472-288-k203916.jpg)
BINABASA MO ANG
ALL ABOUT TRUST (COMPLETED)
RomanceEx-boyfriend ni Danielle si Nico. Nakipaghiwalay ito sa kanya sa kadahilanang hindi na raw nito matagalan ang ugali niya. For Nico, she was a complete bitch and he couldn't stand her attitude anymore. He told her he was completely over her and he ha...