Chapter 4

2.9K 72 0
                                    

Danielle spent her weekend with her family. Her mother was right, she almost neglected them. She forgot they are there for her. But she was still glad because they respected her privacy. She was so blessed having them. Hindi pinilit ng pamilya niya na magkwento siya sa mga ito. And she love them for that. Someday, kapag kaya na niya, kapag hindi na masakit sa kanya sasabihin niya sa kanila ang lahat lahat. Someday.

"Hi Danielle. I love your outfit."

"Oh my gosh girl. Are your shoes from Loubotins? Those are to die for."

"I love you Danielle. And I love your bag."

Tipid na ngiti at thank you lang ang isinasagot niya sa bawat schoolmate niya na bumabati sa kanya. It was a normal thing to her. Bilang fashionista ng campus, usual thing na pansinin ang suot niya, sa damit, sapatos, bag o makeup. Isang bagay ito na hindi nawala sa kanya kahit naghiwalay na sila ni Nico.

Sa Eastern High University siya pumapasok. EHU was one of the most prominent, respected and best known school in the Philippines. Hindi siya nahirapan para makasama sa mga campus figure dahil kilala ang pamilya niya sa bansa. But seriously, she doesn't really give a damn about being a campus figure or a popular student. Who would care? It's just a title but seriously wala namang makukuhang tunay na kaibigan kapag popular ka. In her case, Andi's the only bestfriend she have. May ilang kaibigan din siya ngunit hindi masasabing tunay. More like barkada. Kasama sa mga gimmicks, night outs, shoppings, out of town trips or even out of the country. Hanggang doon lang. She never treated them as real friends. She was more content with Andi and Andi alone as her best real friend.

Napatigil siya sa paglalakad nang makita niya si Andi na tumatakbo papunta sa kanya.

"Danielle, are you ok? Huwag mo na lang pansinin ha. Hindi naman sila bagay eh. Malapad ang noo ng babaeng yun. Sobrang arte pa. Hindi sila bagay ni Nico," humihingal na sabi nito na hindi pansin ang pagkunot ng noo niya.

"What are you talking about? Sino ang tinutukoy mo?" takang takang tanong niya.

Natigilan ito at gulat na napatingin sa kanya. "You mean, hindi mo pa alam?"

"Why? May kailangan ba akong malaman?"

Mabilis itong umiling. "Naku wala. Huwag mo nang pansinin ang sinabi ko. Tara maaga pa naman. Kain muna tayo. Gutom na ako," sabi nito, hinila siya nito palabas ng campus.

Pinilit niyang alisin ang kamay nito sa braso niya. "Wait Andi, may sasabihin ka eh. Ano ba yun? Binanggit mo si Nico at sinabi mong hindi sila bagay nung babaeng nilait mo. Sino ba yun?"

"H-ha ah eh w-wala yun. Nagover react lang ako kanina. Nagpapractice lang ako. Halika na. Nagwawala na ang mga bulate ko sa tiyan."

Wala na siyang nagawa kung hindi ang magpahila. Hindi niya din naman ito mapipilit but she knew there was something wrong.

Pagbalik nila sa school, people have this weird look on her. Sinabi niya ito kay Andi, na sinagot naman nito na huwag niya na lang daw pansinin.

Hindi siya mapakali sa loob ng classroom habang nagkaklase. Kinakabahan siya. Naiisip niya ang sinabi ni Andi at ang tingin ng mga schoolmates niya kanina. Parang may alam ang mga ito na hindi niya alam. Was it something about Nico? At yung babaeng binanggit ni Andi? May bagong girlfriend na ba si Nico? Pakiramdam niya may kumurot sa puso niya, nasasaktan siya. Paano kung ganon nga? Isa pa may sinabi si Andi na hindi bagay ang dalawa. Hindi niya kayang tanggapin na may iba na si Nico. Ang sakit isipin. Hindi niya alam ang gagawin niya.

Wala siyang halos naintindihan sa mga itinuro ng professors niya. Nahihirapan siyang magconcentrate.

"Dani sa labas na tayo maglunch," yaya sa kanya ni Andi pagsapit ng lunch break.

ALL ABOUT TRUST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon