Nagulat si Danielle sa tanong ng ina. Hindi siya nakasagot.
Inabot nito ang picture frame na nasa night table. "It's about Nico right. You are crying again because of him."
Napatingin siya sa hawak ng mommy niya, picture nilang dalawa iyon ni Nico noong first year anniversary nila. Nakayakap siya kay Nico habang nakangiti naman ito ng maluwang. Naka school uniform siya habang nakaformal suit si Nico. Tandang tanda niya pa ang eksena kung paano kinuhanan ang larawan.
Galing siya sa school noon, malungkot siya kasi akala niya ay hindi naalala ni Nico na anniversary nila. Akala niya sinadya nitong hindi siya batiin kasi may sorpresa ito sa kanya pero umabot na ng hapon na wala namang kahit anong nangyari. She even saw him at the gymnasium with his basketball teammates habang nagpapractice ang mga ito, sinabi nito na hindi siya nito maihahatid pauwi dahil birthday ng fratmate at kaibigan nitong si Kurt. Nanlumo siya pero pinayagan niya ito, iyon pala may naghihintay sa kanya paguwi niya.
Pagbukas niya ng pinto ng kwarto niya, nagulat siya nang makita niyang punong puno iyon ng paborito niyang tulips, may nagkalat pang petals sa sahig. Dahan dahan siyang pumasok, hindi siya makapaniwala, maging sa ibabaw ng kama niya ay may mga petals din. Napatingin siya sa night table, may malaking teddy bear doon. Pero mas nakaagaw ng pansin niya ang parisukat na kahon na katabi ng stuffed toy, kinuha niya iyon at binuksan. She held her lips when she saw a white gold necklace with her name as the pendant. Tears pooled in her eyes.
"Did you like it?"
Napalingon siya at nakita niya si Nico na nakasandal sa may pintuan habang nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalong suot nito. He looked every inch a prince. Sobrang gwapo nito. Dahan dahan itong lumakad palapit sa kanya, holding a big boquet of tulips. He was smiling widely.
"Happy anniversary baby," sabi nito nang makalapit. Iniabot nito ang hawak na bulaklak.
"I-I thought hindi mo naalala. Di ba sabi mo pupunta ka sa party ni Kurt?"
"I told you that so you wouldn't notice I am planning something for you. Tell me, paano ko malilimutan ang araw na ito? Pinakamahalagang araw ito para sa akin. Halos hindi ako nakatulog sa sobrang excitement ko," ngiting ngiting sabi nito, kinuha nito ang kwintas na hawak niya at ibinaba ang bulaklak sa table.
"Turn around."
Tumalikod siya. Pinunasan niya ang luha sa mga pisngi niya.
"So, did you like it?" sabi nito nang makaharap siya dito. Hinawakan niya ang kwintas. Tumango siya, hindi siya makapagsalita. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari.
"Aren't you going to say something baby?"
"T-thank you babe. This is unexpected. I really thought-"
Nagulat siya sa ginawa nito. He kissed her before she could even finished her word. Pero saglit lang ang pagkatigagal niya dahil agad niya itong tinugon.She drape her arms around his neck.
"Hey, don't cry babe. I hate seeing you like that," sabi ni Nico. Tinuyo ng mga labi nito ang mga luhang hindi niya na mapigilang hindi pumatak.
"Ikaw kasi. I thought wala ka talagang plano ngayong araw na ito. Nakakaasar ka talaga."
Natawa ito sa sinabi niya. "Sorry babe. I have to do that. Kung alam mo lang kung gaano ko pinigilan ang sarili ko kanina na yakapin ka sa gymnasium. I hope na nakabawi na ako. Happy anniversary baby. I love you."
Napangiti na siya. "Don't worry bawing bawi ka na. I love you too Nico. Happy anniversary."
Tinanong niya si Nico kung paano nito nagawa ang sorpresang yun. Nalaman niyang 10 dozens of tulips pala ang binili nito ngayong araw.
"Your maids helped me. Even tita and tito knew about this. My mom helped too. I wouldn't have done this if it weren't for them," nakangiting sabi nito pero maya maya ay sumeryoso ito. "I really love you. I've never felt this to any other girls before. I would do anything for you. I would do anything to make you happy. I promise there wouldn't be any other girls but you. Mahal na mahal kita. I'm so lucky to have you."
Nangilid ang luha niya, hindi siya nakapagsalita. Niyakap niya na lang ito ng mahigpit.
Kumain sila sa isang restaurant ng gabing iyon. That was one of the happiest day she ever had. Nico planned the perfect night for them. Everything was so romantic, so perfect. That was the best date ever.
Naputol ang pagbabalik tanaw ni Danielle nang marinig niyang magsalita ang kanyang ina. Ibinalik nito ang frame sa table.
"Don't think too much baby. You both are still so young. Marami pang maaaring mangyari sa inyong dalawa. Alam ko kung gaano mo siya kamahal but you have to think na hindi sa break up natatapos ang lahat. Napakaganda mo anak. Marami pang darating para sa inyong dalawa. Trust me, mas malaki ang plano ng Diyos para sa inyo. Basta tandaan mo, nandito kami para sa iyo. Madaming nagmamahal sa iyo huwag mong kalilimutan yan."
Napaisip siya sa sinabi nito. Tama ang ina niya. Pinunasan niya ang luha niya. "Galit ba kayo kay Nico Ma? Or si Daddy o sina kuya at Izza?"
Hinaplos nito ang buhok niya. "Whatever happened between the two of you, labas kami doon. We never hold a grudge against him. Infact, I saw Nico and your kuyas playing basketball at the court two days ago. Nico's so nice and kind. And he's a gentleman. Gusto siya ng dad mo at ng mga kapatid mo. Don't get me wrong Danielle but hindi ko siya kinakampihan. Wala kaming alam sa kung ano ang dahilan ng paghihiwalay ninyo at wala na kaming balak na makialam. Infact, nag-aalala din ang mommy ni Nico sa iyo. She calls me almost everyday para kamustahin ka. Pero nahihirapan kami na nakikita kang ganyan. Nag-iba ka na mula nang maghiwalay kayo. All we want now is to see you happy. Nagtatampo na ang daddy mo sayo kasi hindi mo na daw siya halos kinakausap, wala ka ng time para sa amin. Miss ka na namin."
Naguilty siya. "Miss ko na din po kayo Ma. Sorry if you felt I neglected all of you. Babawi po ako."
Napangiti ito. "That's my girl. You better start it now. Come on. Change your clothes, we're going out. Say, let's go shopping, we'll dine out and then visit your workaholic brothers and your father. What do you say hija? I'll wait for you downstairs."
Tumango siya. "Sounds good Mom. Thank you."
![](https://img.wattpad.com/cover/12014472-288-k203916.jpg)
BINABASA MO ANG
ALL ABOUT TRUST (COMPLETED)
RomanceEx-boyfriend ni Danielle si Nico. Nakipaghiwalay ito sa kanya sa kadahilanang hindi na raw nito matagalan ang ugali niya. For Nico, she was a complete bitch and he couldn't stand her attitude anymore. He told her he was completely over her and he ha...