PAALAM NA MAHAL KO

10 1 2
                                    

Paalam na mahal ko

Yan ang kataggang sinabi mo,
Pero pinilit ko ang sarili ko,
Na baka nagkamali lang ako,
Ng narinig sa sinabi mo.

Nagkamali ng narinig sa mga sinabi mo,
Dahil nung isang araw lang masaya pa tayo,
Masaya pa tayong nagkwekwentuhan at naglalambingan sa lilim ng mga puno.

Sa punong pinuntahan,
Nag ukit pa tayo ng ating mga pangalan,
Pangalan na hindi mabubura ng kung sino man,
dahil nangako tayong dalawa na walang hiwalayan.

Walang hiwalayan,dahil pagmamahal natin ay sobrang makatotohanan,
Pero ano ang sinabi mo,
Paalam na mahal ko,
dahil may iba na ako,
At biglang tumigil ang mundo ko,
nung may idinugtong ka pa sa sinabi mo,
At dun tuluyang tumulo ang mga luha ko,dahil ang sabi mo-

"Paalam na mahal ko dahil may iba na ako--
At pinagpustahan ka lang namin dahil yun ang plano"



Author Message

Sana po nagustuhan nyo po tong ginawa ko at Thank you po sa mga nagbabasa.

FILIPINO SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon