UMASA AT NAGPAASA

5 1 0
                                    

Umasa at nagpaasa

Ikaw at ako,
Yan tayong dalawa,
Ako umasa,
at ikaw naman ay nagpaasa,
Ako na umasa sa mga salitang sinabi mo,
Salitang pinaniwalaan ko,
Dahil sobra iyong totoo,
Totoo na halos mabaliw na ako,
Sa sobrang kilig sa sinabi mo,
Pero ano tong sabi mo,
Oy Angel kami na ng crush ko,
At biglang tumigil ang mundo ko,
Nung sinabi mo ang katagang "KAYO
NG CRUSH MO,
Nagpilit na ngiti pa ako,
Para lang takpan ang sakit na naramdaman ko,
Dahil sa umasa ako na,
Magkakaroon tayong dalawa ng kwento,
Kwento na kung saan tayo lang ang tauhan,
Tauhan kung saan tayo ay nagmamahalan,
Nagmamahalan ng totoo,
Hindi dahil tayo lang,
Kundi dahil may Ikaw at ako na nabuo,
At naging Tayo,
Pero ang akala kung kwento,
Na ikaw at ako ang tauhan ay biglang nagbago,
Ng may dumagdag sa kwento,
Sa kwento na tayo lang dapat ang laman,
Ikaw na bida at ako naman ang iyong prinsesa,
Pero nagkamali ako,
Dahil sa kwentong ginawa ko,
Ako ang nagmukhang KONTRABIDA,
KONRABIDA kung saan hahadlang sa inyong pagmamahalan,
Pagmamahalan na aking kinasuklaman,
Dahil hindi ikaw at ako ang tauhan,
Kaya nagpakalayo ako,
Dahil ayaw ko ng gulo,
Gulo na maaaring simulan ko,
Dahil sa sobrang sakit ng naramdaman ko,
Dahil pinaasa mo ako,
Kaya ako'y hindi na magpapakita sayo,
Dahil alam munang may gusto ako sayo,
Pero pinili mo paring saktan ako ng todo todo,
Kaya sa huling pagkikita nating dalawa,
Ako'y nagsabi ng mga katagang,
"Kung tayo'y muling magkita kaibigan ko,
Ipaparandam ko sayo ang kaibigan mo na nagmahal sayo ng totoo pero sinaktan mo"
Kaya aalis na ako para pag nagkita tayo,
Magsisisi ka sa ginawa mo sa kaibigan mong nagmahal lang ng totoo.










FILIPINO SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon