SIYA

2 0 0
                                    

Siya na nagpasaya sa akin tuwina,
Siya na sumasama sa kalokohang aking ginagawa,
Siya na lagi kung kasama,
Siya na laging tinutulungan ako sa aking problema,
At siya na nagtatanggol sa akin sa tuwing ako'y inaapi ng iba.

At siya ang dahilan kung bakit ako ay laging masaya,

Pero bakit siya na dati kung kilala,
Ay nagbago na pala,

Siya na nagpapasaya sa akin dati,
Siya na ngayon ang dahilan ko kung bat ako umiiyak tuwing gabi,
Siya na sumasama sa akin dati,
Siya na ngayon ay lumalayo na sakin,
Siya na lagi kung kasama,
Ay may iba ng kasama,
Siya na tumutulong sa aking problema,
Siya ngayon ang aking problema,
At siya na nagtatanggol sa akin dati,
Siya na ngayon ay wala ng pake,

Wala ng pake kaya ako'y susuko na,
Akoy magbabago para ako'y lumaban na,
Kaya sa pagbago ko,
Siya sana ay matauhan na,
At bumalik na sa dating sya,
Dahil miss ko na siya.

FILIPINO SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon