Lista

607 7 0
                                    

Hello ako nga pala po si Monica Cayabyab 14 years old nag-aaral po ako at grade 8 na po ako isang taon na ang makalipas noong nangyari ang kababalaghang iyon 13 years old po ako nun grade 7, sa totoo lang guys Hindi naman siya masyadong nakakatakot pero nakakapagtaka noong nangyari yun.

Isang araw, nasa paaralan ako katatapos lang namin magrecess at wala ang guro namin sa Filipino bago umalis ang aming adviser pinalista niya ako sa aking kuwaderno ng mga maiingay.Makalipas ang mga minuto wala parin ang aming guro sa mga oras nayon marami na Kong nalista na pangalan sa kuwaderno ko.Lumabas muna ako upang umihi malapit lang ang palikuran sa silid namin kaya naman ako'y nakabalik agad sa aking upuan,binuklat ko ang aking nililistahan na kuwaderno nang may nakita akong pangalan na wala naman sa section namin kaya nagulat ako ng sobra.Tinanong ko ang katabi ko kung siya yung nagsulat ng Veronica sa kuwaderno ko pero hindi daw siya ang gumawa nun nasisi ko tuloy siya pero isinawalang bahala ko nalang iyon at binura ang pangalan.

Lumipas na ang mga oras uwian na namin bago ako umalis pinunit at binigay ko na sa adviser namin ang nilista ko sa aking kuwaderno."Monica"tawag niya sa akin at lumapit naman ako parang nagtataka siya habang tinitingnan ang binigay ko na papel sa kanya na may nakalista na mga pangalan.Tinanong niya ako kung bakit may Veronica na nakalagay sa papel eh wala naman daw ito sa section namin siyempre napaisip ako dahil binura ko naman yon pagkatapos Kong paghinalaan ang katabi ko sigurado talaga ako na binura ko yun,sinagot ko ang
aking adviser na hindi ko lang sinasadyang nailagay ang pangalang iyon at sumangayon naman siya dito.Umuwi na ako pagkatapos ng aming maikling pag-uusap.
"Bes" sigaw sa akin ng bestfriend ko lumapit siya sa akin
Lira:Sabay tayo uwi bes, bakit ka nga pala napatagal kanina nung kinausap ka pinagalitan ka ba ni ma'am?
Monica:Hindi bes wag no na ton problemahin tara kain muna tayo kwek kwek libre kita
Lira:Sige bes, salamat.

KINABUKASAN....... Sabado ng hapon

Pumunta si Lira sa bahay dahil may usapan kami ng oras na iyon
Lira:Uy bes alam mo ba may namatay doon sa lugar namin kahapon, diba kilala mo si Mang Lucas?siya yung palagi mong kausap pag pumupunta ka sa bahay naming diba?
Monica:Oo bes, bakit?
Lira:Yung anak nun yung namatay bes
Monica:Huh?bes grabe kawawa naman sila
Lira:Oo mga bes eh
Monica:Anong pangalan ng anak niya bes?
Lira:Veronica Deguzman bes
Monica:Weh....... Totoo sure ka?
Lira:Oo naman bes, bakit?
Monica:Kasi bes yung pangalan na yun yung nakalista doon sa papel na nililistahan ko ehh..... Kasi Lumabas muna ako para magcr tapos pagbalik ko nakasulat na yung pangalan na yun nagtaka ako kasi hindi naman natin yun kaklase diba sinisi ko pa mga yung katabi ko kung siya yung nagsulat doon sabi niya Hindi daw siya pero promise wala talaga ako na sinulat na ganong pangalan kaya binura ko yun tapos bes nung nag-uwian na tayo diba natagalan ako Lumabas dahil nga kinausap ako ni ma'am na may nakasulat daw na Veronica nga eh binura ko naman yun Ewan ko ba
Lira:Bes baka nagparamdam si Veronica sayo hala ka bes lagot ka.....

KINAGABIHAN.......

Nagdasal ako sa panginoon noong malaman ko yun at sana wag na uli magparamdam sa akin si Veronica ngayong grade 8 na ko salamat sa diyos kasi naging totoo yung dinasal ko na sana hindi na magparamdam sa akin siya.Thanks din sa inyo dahil sa pakikinig niyo sa aking kagimbal-gimbal na kwento.

Compilation of Scary Stories (Tagalog Horror Stories)Where stories live. Discover now