The Empire

675 16 1
                                    


Xanara POV

"You love trouble, dont you?"

Napataas ako ng tingin kay Flower boy

"Kung di ka nagtext sakin. Di ako aalis. Di ko siya mabubunggo. Isa pa, siya naman tong paharang harang. Bakit ba kasi ang hilig humarang sa daan ang mga tao ngayon?" - mahabang sabi ko  pero hininaan ko ang huling sentence na binanggit ko

"Mwo?"

Bo?

"Haist! Bo bo bo! Ewan ko sayo"

Agad ko na siyang tinalikuran at saka nilampasan sila Jin

"Ya!!!"

PAGKAPASOK ko ng classroom ay nagsitahimikan ang mga kaklase ko pero pagkakita nila saakin ay nagsibalikan ulit sila sa pagtsitsismisan nila

Napansin ko kaagad na may nakasunod na mga mata na masamang nakatingin saakin. But I just ignore it, kasalanan ko bang attractive ako??

"Akala namin si Prof na" - Reece

"Ayos ka na ba?" - Rye

Bakit narito to? Nasa unahan upuan nito ahh

"Oo naman"

"Dapat di mo na lang sinagot sagot kanina si Ericka" - Reece

"Bakit naman? Masama na bang mangatwiran?"

"Hindi naman sa ganun. Pero alam mo na para iwas sa gulo"

"Wag kang mag-alala. I can handle her"

"Hu?"

Napatingin kami sa pinto ng bumukas iyon at isa isang nagsipasukan ang mga aliens!

Ng makalapit saamin sila Flower boy ay huminto sila sa harapan ni Rye na nakauposa upuan ni Kaizer

"Mukhang naliligaw ka ata" - Jiro na nakatingin kay Rye

Hindi naman sumagot si Rye pero nanatili siyang nakatingin kila Flower boy

Feeling ko nanunuod ako ng romance. Owh lemme tell it exactly — "BROmance"

"I dont like the way you stare" - Flower boy

Nagsalubong naman ang kilay ko ng biglang iba ang aura ni Rye. Tumayo ito habang nakangiti ng alanganin at kakamot kamot ng batok niya

"Pasensya na" - sabi niya bago umalis at naglakad papunta sa upuan niya

Nagsiupuan na rin sila Aiden sa upuan nila. Sa madaling sabi katabi ko na ang leader ng nga alien

Nilingon ko naman si Reece. Nasabi ko na ba kung saan siya nakaupo??

Nasa unahan lang naman siya ng upuan ni Jiro. Katabi si Kaizer

At ng ibagsak ni Jiro ang bag niya sa upuan niya bago naupo ay mukhang naging bato na si Reece sa upuan niya

Lam niyo un ung batong bato talaga. Mukhang di na nga humihinga ehh =__=

Bumukas naman ang pinto ng room at dirediretso sa gitna ang terror naming professor

"Get a piece of paper"

Agad na nagsiingayan ang mga kaklase ko

"Ohh. May quiz?" - dinig kong tanong ni Aiden

"We will be having a surprise quiz today. Lets see if you are really listening to our discussion" - Maam Nieva

Kanya kanya namang buklatan ng mga notebook mga kaklase ko

XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon