The Golden Black Mansion

731 26 4
                                    

Xanara POV

Iniunat ko ang dalawa kong kamay

Ang sarap ng tulog ko

Walang istorbo

Iminulat ko ang mata ko at saka tumingin sa orasan na nasa side table

8:00 pm

"Uhh?? Napahaba ata ang tulog ko"

Grrrrr

Napahawak ako sa tiyan ko ng tumunog iyon

Haist! Kailangan ko ng kumain

Pagkababa ko sa hagdan ay nagtatakang luminga linga ako sa paligid

Himalang walang mga alien words akong naririnig

Parang ang tahimik ng bahay

Dumiretso ako sa dining ng maamoy ko ang masarap na pagkaing nanggagaling doon

Pagkarating ko doon ay nakita ko si William na nakatayo lang malapit sa may mesa habang ang mga katulonh ay nakahanay lang ng maayos sa gilid ng silid

"Mabuti naman at nagising na kayo Ms. Gabrielle"

"Ahh, magandang gabi po"

Ngumiti lang siya saakin bago hinila ang isang upuan

"Kumain na po kayo"

Napatingin ako sakanya at sa upuan na hinila niya and he motion his hand on me to sit down

Kaya wala na akong nagawa. Lumapit ako doon at saka umupo

Kaagad na may lumapit na dalawang katulong at sinalinan ng tubig ang basong nasa tabi ng pinggan na nasa harapan ko

Wow ha!! Feeling ko boss ako dito!!

Napatingin ako kay William ng may pagtataka

Ngumiti lang siya saakin ng tipid

Hindi naman kasi ganito ang trato nila saakin kapag narito sila Flower boy. Hindi ganito ka sosyal

Nga pala

"Wala p—"

"Mamaya pa uuwi sila Young master. Kaya mauna na po kayong kumain" - mabilis na sagot niya

"Hindi ko naman sinabing may balak akong hintayin sila ehh" - mahinang sabi ko pero narinig niya pa ata iyon ng bahagya siyang humalakhak

Di bale na nga. Bahala sila kung nasaan man silang planeta sa galaxy. Basta ako!!! Hindi ko na paghihintayin pa ang mga masasarap na pagkain sa harapan ko!!




Krane POV

Awtomatikong bumukas ang malaking gintong gate ng malapit na ang kotse ko doon

I take a glance at the camera on the both sides of the gate

Few seconds after I enter the gate I finally arrived on our place

Pagkapatay ko ng makina ng kotse ko ay agad akong lumabas. Maging sila Jin ay nakalabas na din sa kanya kanya nilang kotse

"Isang buwan na rin tayong hindi nagagawi dito" - Aiden na nakatingin sa malaking mansyon na nasa harapan namin

Isang malaking mansyon na may makikitang dalawang kulay lamang, itim at ginto. It is a golden black mansion

A modernized mansion with a touch of victorian style. Isang malaking mansyon sa gitna nitong tagong lugar na napapalibutan ng mga punong kahoy

XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon