Revenge is a Boomerang

792 21 10
                                    

Xanara POV

Umayos ako ng tayo bago ko gisingin ang prinsipeng natutulog sa malaki niyang king size bed

"Young master oras na para gumising" - sabi ko

Pero hindi man lamang siya gumalaw

"Young master oras na para gumising" - ulit ko

Napangiti ako ng makita kong gumalaw na ang mata niya bago siya nagmulat ng mata at pagtingin niya saakin ay mas ngumiti ako na ikinakunot niya ng noo

"Psh why are you smiling like that?"

"Ahh nasabi kasi ni William na dapat wag akong nakasimangot pag gigisingin kayo para daw di kayo mairita"

Mas lalong kumunot ang noo niya

"I didnt say anything like that to William. And he wouldn't say a thing like that"

Letse! Hindi ba? Hindi ba nagsasabi ng ganun si William?

"Pansin niya sigurong hindi tayo GAANONG magkasundo kaya nasabi niya iyon"

Nanatili akong nakangiti habang nakatingin lang siya saakin na parang inaanalisa kung totoo ba ang sinasabi ko

Langya lang! Ang ngalay ngumiti!

Napatingin naman siya sa side table kung saan ko inilapag ang dala kong tray

"What's that?"

"Ahh ginawan kita ng almusal Young Master"

Napatingin siya saakin ulit at ngayon nakataas na ang isa niyang kilay

"Naisip ko kasing hindi ko dapat ginawa ung mga ginawa ko kahapon. Hindi ko dapat kayo sinusuway. Kaya ginawan ko kayo ng almusal, makabawi lang po sainyo Young master" - sambit ko habang pinipilit na maging normal sa pagsasalita kahit pa gustong gusto ko na siyang singhalan

Singhalan dahil sa pinagawa niya saakin kagabi!!

"Tss mukhang natuto kana. Dapat lang" - sabi niya bago niya inalis ang kumot na nasa katawa niya at naupo sa gilid ng kama niya

May suot na rin siyang pang itaas na damit di tulad nung una na wala siyang pang itaas na damit

Asa namang pagnanasaan ko siya psh!

Nagtaka ako ng nanatili lang siyang nakaupo sa gilid ng kama niya habang nakatingin sa kape at egg sandwich na ginawa ko

"Ahh mabuti pang kumain na kayo Young master habang mainit pa ang kape niyo" - nakangiting sabi ko

"How will I make sure that you didnt put anything on it?" - sambit niya

Langyang to! Pasiguradong mabuti sa buhay niya

"Young master bakit ko naman po lalagyan ng kung ano ang almusal niyo? Hindi ko po un magagawa"

Pinagkrus niya ang dalawa niyang paa at kamay

"Then have a bite on it" - sabi niya

Bwisit na lalaking babae na to!

"I said have bite on it"

Ngumiti ako bago ko kinuha ang egg sandwich na ginawa ko at saka ako kumagat doon

Pinigilan ko namang magkaroon ng ekspresyon sa mukha ko dahil sa alat ng itlog na ipinalaman ko sa tinapay

Pero sobrang alat talaga!!

Napatingin naman ako sakanya ng kinuha niya ang kapeng ginawa ko at saka iyong iniabot saakin

XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon