Chapter Four

5 0 0
                                    

WTRWNS Chapter 4 - Going Back and Forth

Written by: Kei Lavender

--------------------------

˙°○Magdalene○°˙


"Grabe talaga ang lalakeng 'yon, ni hindi manlang talaga n'ya ko pinagbigyan? Huh! Halata naman sa itsura nya na ganun ang ugali nya."

Napasimangot ako at pinilas ang hawak kong tinapay at inihulog sa pond.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Sa tingin n'yo, babasahin nya kaya yung gawa ko?" Tanong ko sa kausap ko.

"Quack!" Tanging sagot ng mga ito.

Nagpatuloy nalang ako sa pagpapakain sa mga bibe at tinigilan nang kausapin sila.

"MAGDA!"

Napalingon ako sa likod at natanaw si Hazel, katrabaho ko, sa di kalayuan at natakbo papunta sakin. May mga kasama rin sya.

"O, Hazel." Bati ko ng makalapit ito kasunod ang mga kasama nya.

Petite na babae si Hazel, pero makurba ang katawan. Medyo tanned, pero hindi ito nakabawas ng appeal nya. Sa pagkakakilala ko sa kanya, medyo naughty but sexy ang image nya. Kaya naman pansinin sya lalo na sa resto na pinagtatrabahuhan namin.


"Day off mo rin, di'ba? Sama ka samin!"

" Ha? Saan naman?"

"Bar lang. Dali na! Girls' night out naman 'to, eh. Di'ba?" Sabay lingon nya sa mga kasama nya. Nagsi tanguan naman ang mga ito.

"Ah, hindi. Salamat nalang pero-"

"Ano ba, gurl? Nagiinarte kapa eh gusto mo rin naman!" Suhestyon nung isa.

"Ay beh, sama kana! Sayang naman kung hindi mo irarampa 'yang katawan mo, pang modelo oh!"

"S-salamat, pero kasi-"

"'Te, bahala ka. Kung ako sa'yo? Susulitin ko na ang pagkakataon na'to! Libre kana namin ng drinks, tsaka marami kang makilala dun."

Napakagat nalang ako sa lower lip ko at napatitig sa may pond.

Sa bagay, mukhang wala narin naman akong ibang gagawin dito buong magdamag. Siguro nga, maganda rin na sumama na'ko sa kanila.

Isa pa, medyo nakakadepressed yung nangyari kanina. Kung sasama ako sa kanila, madidistract ako at medyo makakalimutan ang tungkol dun sa interview kanina.

"So ano? G kana?"

I give her a half smile, "Sige,"

***

Ang liwanag.

Agad kong tinakpan ang kalahati ng mga mata ko at pilit na pina-familiarized ito sa itsura ng paligid.

Bumungad sa'kin ang isang malaking bintana at kurtinang kulay pink in silk na kanina pa hinahangin sa mukha ko.
Pinakiramdan ko ang kamang kinalalagyan ko at ang comforter na nakabalot sa'kin. No doubt na mas malaki ang kamang kinahihigaan ko ngayon kesa sa dati. Isa pa mas malambot, mabango and-wait,

Nasan na nga ba ako?

Imposible namang nasa boarding house ako kasi una sa lahat, hindi hahayaan ng kadormmate ko na si
Jheene na buksan ang mga bintana sa kwarto lalo pa ngayong umaga. Palagi kasing kulong yung kwarto namin dun.

When The Rain Won't StopWhere stories live. Discover now