WTRWNS Chapter 3 —Third year highschool
Written by: Kei Lavender
——————————————————————————
F L A S H B A C K
( 5 years ago...)°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
˙°◎°Magdalene°◎°˙
"Bilisan mo na dyan, Magda. Nandyan na si Mrs.Alvarro sa front seat! Sabi ko naman sayo, dapat kagabi mo pa yan ginawa.""Sandali nalang,"
Tutok na tutok ako nun sa paglelettering ng mga lines sa isang manila paper gamit ang isang marker habang wala naman ibang ginawa itong kaklase ko na si Aury sa pagrasa sakin. Hayy, kung alam nya lang ay mas lalo pa syang nakakadagdag sa pagtagal ng ginagawa ko.
"First rehearsal natin 'to on stage. For sure, may ilan na agad na manonood!Nakuu. Sana naman ay medyo saulo na nung iba yung script nila kung hindi, ayy! Lagot sila kay Mrs. Alvarro."
Pagpatuloy nito habang namamaypay sa tabi ko."Kung tulungan mo kaya ako dito?Ang dami pa, ohh" Suhestyon ko ngunit mistulang lagpas lang mula sa kabilang tenga nya ang mga sinasabi ko. Patuloy parin ito sa pagdaldal.
"Sa bagay, buti nalang talaga at yung kakambal mo ang napiling bida. Sigurado akong wala nalang sa kanya ang mga acting acting na yan! Sus! Eh simula pa lang nung mga elementary pa tayo, sya nalang palagi ang napipiling lead sa mga role playing sa school! Malamang,sisiw nalang para sa kanya 'to. Teka nga, nagawan mo na ba sya ng script?"
Nginitian ko sya ng konti habang patuloy parin sa ginagawa ko, "Hindi eh. Hindi na kailangan, nasaulo na nya yung buong line nya kagabi. Kaya naman ako hindi agad nakagawa ng scripts nung iba ay dahil ginawan ko pa nang plot twist yung finale ng kwento natin."
Jusko, sinong makakapag sabi na matatapos ko kaagad yung story na ginawa ko before the rehearsal? Grabe ang hirap at pagod ko dun. Yun nga lang,hanggang ngayon ay hindi pa ko tapos sa mga scripts, kung sana nagawan ko pa ng mas maaga. Bakit ba kasi tinrangkaso pa ko? Ayan tuloy,sa halip na dalawang linggo ang preparation para sa concept ng kwento ay halos isang linggo nalang ang natitira sakin.
Biglang namilog ang mga mata ni Aury, "Talaga? Wow! Ang galing galing naman ng kakambal mong si Margaery!"
Natigilan ako. Si Margaery?
"Biruin mo, kinaya ng kakambal mo na tandaan lahat ng lines nya ng isang gabi lang? Bilib na talaga ako sa kanya!"
I just shrugged at nagpatuloy sa ginagawa ko, "Magaling talaga si Margaery pagdating sa role play. Nabanggit nya pa nga sakin na gusto nya raw maging artista balang araw. For sure, sisikat sya ng husto." Pagsasaad ko habang nagtitiklop ng margins sa manila paper.
"Sobraaa! As in! Siguro proud na proud ang mga magulang mo sa kanya, no?Ikaw ba naman magkaron ng anak na sobrang talented."
"Ang mga magulang ko?...proud?" Nagsimula akong magsulat ng panibagong script, "Oo naman. Sobra sobrang proud."
Bigla akong nakaramdam ng parang nakabara sa lalamunan ko, napagtanto ko nalang na parang hindi ko na kayang magsalita pa. Para kasing...maiiyak ako pag ganun.
Last night, we had our dinner with our lolo and lola, they arrived from Pasay all the way through here in Laguna just to come visit us.
Sobrang saya ko, sobrang miss ko na rin kasi sila, eh.
YOU ARE READING
When The Rain Won't Stop
عاطفيةAt the age of sixteen, Magda had her first heartbreak by her first ever love, Clarhens. There where she thought of no matter how sweet a candy is, there are always a time where it comes to a bitter end. Akala niya s'ya na, she never thought na pwede...