Sa mundong binubuhay ng samu't saring emosyon,
At pinapatakbo ng magkakaibang henerasyon,
Binubuo ng mga grupong namulat sa sariling hugot at inspirasyon,
Pumili ka ng magiging destinasyon.Bawat isa ay may pilat ng imperpeksyon,
Pinipilit maipasa ang sarili sa mundong lumikha ng ekspektasyon,
Madalas mang matalisod at madapa patuloy parin sa pagbangon,
Kaya hagalpak o pagtangis ang kadalasang opsyon.Hinubog na ng panahon; pinatibay ng mga hamon,
Kadalasa'y may pagtangis, minsa'y nagkakamali din nga,
Pero gaya nga ng nawika "Wala namang makakapagsabi kung sa buhay ay bingo ka na"
May kirot at kapaguran man ang kwento, magpatuloy ka't bumangon.Anumang istorya ang iyong naisulat na,
Paano ito magpapatuloy ikaw lamang ang makakapagpasya,
Kaya bilang direktor sana'y mapag isipan mo na,
Paano dudugtungan, paano bubuuin ang panghuling linya.Masaya o malungkot,
Matagumpay o bigo,
Pagluha o halakhak,
Kaibigan, pumili ka!
BINABASA MO ANG
Repleksyon: Salamin ng Realidad
PoetrySaknong ng pakikipagbunuan. Linya ng Pag-asa. Tula ng Buhay. Paano ka tataya?