EXAM

8 0 0
                                    

Kakalabas ko palang sa mahiwagang mundo kung saan ako'y nagsimulang mabigyan ng pagkakataong matamasa ang ganda nitong buhay ay binigyan na ako kaagad ng tuloy tuloy na eksam.

Ang pagkatuto ko ay nagsimula sa sandaling natanggap ko ang papel at sinabihang kailangan ko itong sagutan. Hindi ako takot noon na makakuha ng mali sapagkat nariyan ang gabay ng aking mga magulang. Sa bawat pagkakamali ay lagi silang nakaalalay at sasabihing "ako na ang bahala." Sa mga sandaling iyon naniwala akong madali lang pala ang naturang eksam.

Lumipas ang panahon hanggang sa nawala na ang aking mga sandalan at tagapagtanggol. Natatakot akong magkamali pero hindi na ako pwedeng bumawi. Kaya napilitan akong ipagpatuloy ang pagsagot.

Sa bawat pag-usad sa bagong pahina at bahagi ng eksam, napagtatanto kong marami na akong naisagot na mali gayundin naman ang tama. Hindi ko batid kong ilan ang magiging puntos pero magpapatuloy pa rin ako- tuloy pa rin ang eksam ng buhay ko.

Hindi man sigurado,
May mga sandali mang kabado,
May napagtanto mang maling mga sagot,
Nasaktan pero hindi patuloy na sisimangot,
Sa eksam na ito ako lang ang makakaalam paano ko itataas ang puntos ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Repleksyon: Salamin ng RealidadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon