Tanaw ko mula dito na hindi ka na masaya,
Nawala na ang ngiti sa mga labi at tila ika'y pagod na,
Mata'y namumugto at mga binti'y nagbabadya na ng pagsuko,
Matamlay ka na't nahihirapan sa kwento mong lagi nalang may delubyo.Paano ba naman kinailangan mong maging matapang,
Mag-isang harapin ang hamon ng buhay,
Mahirap man pilit mo pa ring iginagapang,
Ang mga pangarap mong magdadala sa iyo ng tagumpay.Subalit ang tadhana'y mapagbiro ngang talaga,
Sunod sunod na hamon ang kinailangan mong ipanalo,
Hanggang sa ika'y manghina at heto'y bibigay na,
Akala mo tulo'y wala nang makakatulong at sa iyo'y sasalo.Kaibigan huwag panghinaan alam kong ikaw ay matapang,
Patunay ang mga kwentong iyo nang napagtagumpayan,
Makulimlim man ngayon bukas o samakalawa liliwanag din ulit 'yan,
Huwag kang sumuko bagkus ay magtiwala ka lang.Hindi ito ang dulong inilaan Niya para sa iyo.
BINABASA MO ANG
Repleksyon: Salamin ng Realidad
PoesíaSaknong ng pakikipagbunuan. Linya ng Pag-asa. Tula ng Buhay. Paano ka tataya?