CHAPTER ONE

65 9 11
                                    




Lester POV

          Kararating ko lang dito sa Harrison University, First Day Of School kaya malamang sa malamang madami na namang transferee. Buhay nga naman parang Life. Pagpasok ko pa lang nang gate nagsitilian na ang mga babae, What's new di'ba? Naiinis na ko. Hindi ba sila nagsasawa sa kakatili?  Ang iingay nila, kaya ayaw ko sa babae. Maputak masyado. Habang naglalakad ako patungo sa classroom dina-dial ko ang number ng kaibigan ko. Kanina ko pa silang kina-contact pero nakapatay ang phone nila. Pag hindi nakapatay? Pinapatayan nila ako. Ano bang meron? Alam nilang ayaw ko sa ganun,nakakainis! Patay talaga sila sakin mamaya. Sa Second Floor pa ang classroom namin. Pag-akyat ko sa hagdan at pagliko may nabangga ako.

          NO!!!! BINANGGA AKO!! Napatigil ako sa paglalakad at tinigil ko din muna ang kaka-contact sa mga kaibigan ko. Badtrip na nga ako sasabay pa tong tangang to!!!

          Tiningnan ko sya sa mata. Diretso sa mata pero parang wala lang sa kanya. YUNG MATA NYA! ANG GANDA PERO WALA KANG MAKIKITA NA KAHIT ANONG EMOSYON.

Di ba sya natatakot? Hindi ba sya magso-sorry?

"Anong tinitingin-tingin mo dyan!?"

"Nabangga mo ko Miss."

"Di ka man lang magso-sorry Miss?"

"Ano ba!? Magsorry ka!" Inis na inis na ko kaya hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko. Wala akong pakialam sa mga taong nakatingin samin. Ang gusto ko lang sumigaw ng sumigaw dahil sa inis.

"Sorry" sabi nung babae at umalis na sa harapan ko.

Like, what the heck!? Sa dami nang sinabi ko. Sorry lang talagaaa!!!!? As in yun lang!? Ni hindi ko man lang nakitaan ng takot yung babae nung sinigawan ko sya!? Damn it!!

Humanda sya pag nagkasalubong ang landas naming dalawa. Humanda talaga sya! Sinira nya pa lalo ang umaga kong sirang-sira na. I Hate Girls! And I Hate that girl! Napatingin naman ako sa phone ko nang mag vibrate ito. Wow! Kung kelan badtrip na ko saka naman tumawag.

*Khael Calling*

"What the!? Bakit hindi nyo sinasagot ang tawag ko kanina!?"

"Easy Bro!bKaya nga tumawag di'ba?AHAHAHAH"

"Tsk!"

"Wala man lang bang 'Hello Khael' dyan o kaya 'Imissyou Khael'?"

"Gago!!!"

"HAHAHAHA! Init ng ulo ah? By the way, sa Cafeteria ka na dumiretso may naghahanap sayo"

"Talagang papagudin mo ko!? Aba't hoy Khael malapit na ko sa *toot toot toot* "

Hayst! Ang gago binabaan ako! Sino bang gago ang naghahanap sakin? Pagod na ko sa kakalakad dito tapos kung kelan malapit na ko sa room tsaka naman ako papupuntahin sa Cafeteria! Ginagago naman nya ata ako?

Wala na kong nagawa at bumaba na ulit papunta sa Cafeteria. Take note hindi ako dun sa dinaanan ko kanina at baka makasalubong ko pa yung babaeng bumangga sakin! Baka masapak ko lang ang mukha nya.

Pagdating ko sa Cafeteria yun na naman ang mga babaeng mahaharot! Napapatingin sa gawi ko at parang kinikilig? Wala na bang mala-Maria Clara ngayon? May pagtili pang nalalaman maubusan sana kayo ng boses.

"Waaaaahhhh!!"

"Ang gwapo nya talaga!"

"Ang hot nya sobra!"

"Buti talaga dito ako pumasok HAHAHAHA!"

"Ohmyyy! May Fafa!!"

"Shit! Dadaanan sya sa harap natin, okay lang ba buhok ko?"

The Girl At The CornerWhere stories live. Discover now