1

28 1 0
                                    

"I don't trust him but I trust you."

Sabi sakin ng isang lalaki na kaharap ko ngayon.

Ngumiti ako na para bang ang saya kong marinig yon mula sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit pero sa tuwing tinitingnan ko ang mukha niya ay wala akong maaninag.

Biglang may kung anong pwersa na naglayo sakin sa kanya. Sumisigaw ako pero walang tinig na lumalabas sa bibig ko. Para akong napipe. Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha sa mata ko.

Gusto kong manatili sa mga bisig niya pero pilit kaming pinaglalayo na kung anong malakas na pwersa.

Biglang yumanig ang lupa na akala mo'y lumilindol. . .nagbagsakan ang mga nagtataasan na pader at mga gusali at maya-maya pa'y may narinig akong matinis na boses ng isang babae.

"Prinsesa Athena gising na po."- paulit-ulit nitong sambit.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at na-realize kong nananiginip lang pala ako.

Napasimangot ako sa nakita kong babae. Dahil siya ang dahilan kung bakit di ko naituloy yung panaginip ko. Hindi ko tuloy nakita yung lalaking kumausap sakin.

"Prinsesa, kanina ko pa po kayo ginigising." - nakasimangot niyang sabi.

Hindi ko siya pinansin dahil hindi ko maiwasang mapatulala na lang dahil sa napanaginipan ko.

Maikli lang ang panaginip na yon pero-ewan ko. Parang ang lungkot-lungkot ko palagi kapag napapanaginipan ko ang eksenang yon. Para bang sa tuwing inilalayo ako sa kanya may kung anong parte ng buhay ko ang nawawala.

Ang weird lang dahil halos mag-iisang linggo ko na rin kasi yung napapanaginipan pero lagi na lang napuputol sa parteng iyon.

Boses pa lamang niya ang kilala ko pero ang mukha niya hindi ko pa nakikita.

So weird,right?

Bakit lagi ko na lang siyang napapanaginipan? Ano bang gustong iparating sakin ng panaginip na yon.

Pakiramdam ko kasi sa tuwing gumigising ako sa panaginip na yon ay galing ako sa isang break up na parang gustong-gusto ko lang na magkulong sa kwarto ko at umiyak ng umiyak.

Para akong broken hearted na--ewan.

Naputol ang pag-iisip ko ng bigla akong batukan ng nakakabwisit na babae na nanggising sa akin kaya hindi natuloy ang panagininip ko,na isa sa mga bestfriend ko pero ngayon. . . kaaway ko na, dahil pinutol nga niya ang panaginip ko, pati pinutol ang pag-iisip ko, at binatukan niya pa ako.

"Aish! Where's your manners, Hope!"-sigaw ko sa kanya habang kinakamot ang batok ko. Naputol tuloy ang pag-eemote ko sa lakas ng pagbatok niya.

"Sorry Athena, akala ko kasi sinasapian ka na or may nakikita kang multo dyan."- natatarantang sabi ni Hope.

Pero halata naman na nasiyahan siya sa pagbatok sakin.

"That's not an enough reason to do that! I'm still the princess here,kahit mas matanda ka sakin ng 3 years at kahit ikaw ang tutor ko sa magic school. . .hindi. mo. dapat. ako. binatukan!"- gigil na gigil kong sabi.

Sabi nga ng mga tao dito, magbiro ka na sa lasing,huwag lang sa bagong gising.

Siya kasi ang nagtuturo sakin sa paggamit ng mahika.

Oo, isa akong witch. Anak ako ng hari ng mga wizards pero isa din akong phantom eater dahil ang mama ko ay isang phantom eater.

Kaya kahit na tatlong taon ang tanda niya sakin. . . dapat lang na igalang niya parin ako dahil isa akong prinsesa.

Phantom HighWhere stories live. Discover now