2

26 1 0
                                    

Nagsimula ng umandar ang karwahe. Binalot ng takot ang buong katawan ko. Parang may mali sa lugar na ito.

Ngunit sa kabila nito hindi ko parin maiwasang mamangha sa mga nakikita ng mga mata ko.

Para itong isang malaking syudad. Naglalakihang tore ang sumalubong sakin.

Ang toreng nasa gitna ang pinakamataas.

Isang telang kulay pula ang nasa tuktok ng pinakamataas na tore.

Ano kayang ibig sabihin ng telang iyon?

Ano kayang nasa loob ng mga toreng iyan?

Pero ang mas kumuha ng atensyon ko ay ang malaking gusaling pabilog.

Para itong isang malaking Arena. Maraming kawal ang nakapalibot na animo'y napakasagrado ng lugar na iyon.

Ano kayang itsura sa loob na yon?

May ilan din akong nakitang mga nagsasanay.

Nasa gitna ako ng pag-uusisa sa paligid ng biglang may tumunog na trumpetang umalingawngaw sa buong paligid.

Dahilan upang maalarma ang lahat at mapatigil sa lahat ng kanilang mga ginagawa.

Ang lahat ay dali-daling pumila ng maayos.

Mukhang nakasanayan na talaga nilang gawin iyon sa tuwing tumutunog ang trumpeta.

Mayamaya lang ay tumigil na ang karwahe namin.

Bumukas ang pinto ng karwahe kaya naman nauna ng bumaba si Hope. Sumunod naman si Faith. Hindi ko alam kung tama bang bumaba pa ako dahil iba ang nararamdaman ko sa lugar na ito.

Sari-sari ang nararamdaman ko ngayon.

Inaamin kong natatakot ako sa posibleng mangyari sakin sa loob ng eskwelahan na ito.

Marami na akong narinig na pangit tungkol sa lugar na ito.

Na halimaw daw ang mga estudyante na nag-aaral ng eskwelahan na ito.

Pero normal na naman na sabihan kaming halimaw ng iba dahil kumakain kami ng kaluluwa, hindi ba?

A/N: Maikli lang po ito pinilit ko lang pong mag-update kahit papaano.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 17, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Phantom HighWhere stories live. Discover now