Ang unang kwento

15 0 0
                                    

Sisimulan ko ang tulang ito
Na ang bida ay ikaw at ako
Na kung saan ang isa ay nagmamahal
At ang isa ay ang mas nagmamahal

Noong una sabi mo "tara kain tayo"
At masaya akong nagsabi "sure why not"
Pangalawa sabi mo "hatid na kita"
At nakangiti kong sinabi "ahh e sige tara"
Pangatlo sabi mo "tulungan na kita dyan"
At marupok kong sinabi "nakakahiya man pero sige na nga"
Sa pang apat na sabi mo sakin "bait mo talagang kaibigan"
Ayy oo nga pala magkaibigan lang pala tayo
Akala ko kasi yung mga sinasabi mo may something na

Bakit may mga taong pinagtagpo pero hindi itinadhana?
Yung tipong papakiligin mo ko, aalagaan at mamahalin
Pero sa huli ikaw lang din ang mananakit sakin

Bakit kung kailan handa ka na siya naman yung tumigil na?
Pinangunahan ako ng takot na baka katulad ka lang din ng iba na lolokohin lang ako
Natakot akong sumugal sa walang kasiguraduhan
Pinili ko na lang iwasan ang tunay na nararamdaman
Hindi kita masisisi sa iyong pagbitaw
Siguro nga napagod ka ng mahalin ako
Na sa panahong nakakapit ka bumitaw na ako
Sa limang taon nating pagsasama nangibabaw ang takot sa aking nararamdaman
Kasalanan ko din naman kung bakit hindi nagkaroon ng ako at ikaw

Bakit kailangan natin masaktan bago matuto?
Siguro nga kailangan na muna natin umiyak no?
Kasi luha ang maglilinis sa mata para makita mo na hindi kayo para sa isat isa

Oo ako yung unang bumitaw
Pero ikaw pa din naman ang sigaw
Di ako magagalit kung sasabihin mong tama na
Kasi sa ating dalawa ikaw yung mas nagmahal

Sana mapatawad mo ako sa maling desisyong nagawa ko
Gusto kong lumingon pabalik pero mukhang hindi na ako ang lilingunin mo at tatanawin mo naman ang taong mas higit pa sa isang katulad ko

Sana habang nagsasalita ako dito hawak ko ang kamay mo
Nakatingin sa mapupungay mong mata para sambitin ang lahat ng ito
Para malaman mo na sayo ko iniaalay ito
Alam kong huli na ang lahat nawalan ka na ng gana para sa ating dalawa
Maging masaya ka sana sa matatagpuan mo pa
Kung natuto ka sa larong pagibig nating dalawa
Mas natuto ako na hindi lahat ng pagibig ay nilalaro ng tadhana.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 07, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spoken Poetry And Poems: Love&LifeWhere stories live. Discover now