Simula

67 2 0
                                    

Simula

 

“Yes, Chairman.” Seryoso at may takot sa tinig na sagot nito.

 

“Ayoko nang pumalpak pa kayo huli na 'to. Binabayaran ko kayo para mag trabaho ng maayos. Naiintindihan niyo ba!?” Ma-autoridad na ani nito. Nakatingin lang ako sa mga kasamahan ko. Bakas sa mukha nila ang takot sa bawat salitang babanggitin ng Chairman.

Tumayo na ang Chairman kasama ang mga bodyguard nito sa likuran at nag lakad papalabas ng conference hall. Pag kalabas nito kaagad naman nag bulung-bulungan ang mga tao dito.

 

“Are you ready?” Bumulong nadin sakin 'yung katabi ko. Tss .

 

“Ofcourse as always…” Tugon ko at tinignan siya sabay ngisi “ Im not like you.”

Ramdam ko ang pagkairita nito. Matagal na nadin kaming may alitan nito.

“Listen to me everyone we need to start this now!”

Napukaw ang atensyon ko sa nagsalita. “NOW?” Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya NOW? Mukhang hindi talaga uso saknya ang salitang pahinga. Kaagad na nag plano ang lahat at syempre ako nanaman ang bida. Pagkatapos ng pag paplano at diskusyon kaagad kaming nag punta sa location. Sa sobrang sexy ko ngayon bulag nalang talaga ang hindi papansin sakin. Inabot na sakin ang maliit device kung saan maririnig namin ang isat-isa inilagay ko 'to sa tenga at tinakpan ng buhok. Lumabas na ako ng van at pumesto kung saan da-daan ang target. Malayo palang kitang-kita ko na ang manyak.

 

“Nandito na siya.” Sambit ko sa mga kasama ko. Kaagad 'ko inayos ang sarili ko ang nag lakad papalapit dito. Kun'wari ay may hinahanap ako sa bag ko at hindi ko siya nakita. Nag tagumpay naman ako at sumabog ang laman ng bag ko sa harap niya. Kaagad naman itong lumahod para tulungan ako mag pulot. Inilagay niya ang dala niyang bag sa sahig kaya naman sinamantala ko na pahilim ko’ng inilapit ang sarili ko malapit sa bag niya para maidikit ang tracking device.

“T-thank you..” Sambit ko habang inaabot niya ang iba ko pang gamit. Tumingin ito sa dibdib ko bago mag salita. Manyak talaga ang hayop.

“Walang anuman magandang binibini… pero hindi kasi ako tumatanggap ng thank you binibini.” Habang nag sasalita siya nanatili parin ang mga mata niya sa dibdib ko. Alam kong may ibang ibig sabihin ang mga kataga niya. Gumagana ang plano kaya naman kinuha ko na ang pag kakataon. Tinignan ko siya nang napaka lagket. Nakakadiri.  At ngumisi ako saknya bilang tugon sa gusto niya mangyari.

“What room hon …” Naputol ang sinasabi ko nang may nakita akong grupo ng mga lalake naka formal suite papunta sa direksyon namin. Kaagad nilang nilapitan ang manyak na lalake sa harap ko. At bumulong. Tumango naman ito muling tumingin sakin. May kinuha siya sa bag niya at inabot sakin.

 

‘Calling Card’

“Call me later, sweety.” Tugon nito at tuluyan ng sumama sa grupo nang kalalakihan.

Hello, StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon