Chapter 10: old friend

283 2 0
                                    

Chapter 10: trip

Den: oh guys..*sabay punas sa natitirang luha sa mata* c tito anton ung tumawag. Get ready na daw. Dahil malapit na daw ung coaster na susundo satin.. Manaaaaang…paki handaan naman muna kmi ng meryendaa..

Gabby: oh guys…. We’re here!!! *sabay apir kay Jeff at kay Kevin.*(halos kasunod lang niyang nag lakad papasok si Raymond.)

Rhian: *binatukan c Gabbty*

Gabby: aray naman Rhirhi… nasobra ka na hah!! *sabay kamot sa ulo…* oh sakto pala tayo nang dating pareng Ray eh! Oh meryenda na.

Naka dating sa resort nila Dennise ang mag babarkada, si evan naman sa kabilang dako, ay pala ngiti ngunit matatanaw mo sa mga mata na merong problemang hindi mailabas. Tama nga ba ang desisiyon ni Evan na huwag munang sabihin sa kaibigan ang tinatago ng nibyo nito? Si dennise naman, sa isang banda, pilit na iniintindi ano ang alam nang kaibigan na hindi niya masabi sabi sakanya.

DEN’S POV:

andito na kami ngayon sa Resort, naitawag ko na kay daddy at tito na naka rating kami ng matiwasay, ewan ko ba pero ang bigat ng pakiramdam ko. Andito ako ngayon nag lalakad lakad sa tabing dagat, sila? Ayon iniwan ko sa hotel habang nag uunpack ng mga gamit sa kanya kanyang kwarto.

“dennise!!” biglang me tumawag saakin, kilala ko yong boses pero wala ako sa ulirat para lingunin ito, diretso lang ako sa pag lalakad, “dennise” tawag uli nito na parang hingal sa pagtakbo, pero hindi ko uli ito ininda, gulong gulo ang isip ko kakaisip. Naguguluhan din ako sa nararamdaman ko kay AJ mag 7months na na kami pero bat biglang nag iba pakiramdam ko saknya. Sobrang mahal ko siya pero me pumipigil saakin lalo na nong may  naputol na sasabihin saakin si Evan sa bahay.  Parang may mali, bakit biglang dumating si AJ sa bahay?  Noong mga naka raang araw nararamdaman kong nan lalamig na si AJ. At ganon dn ako sakanya. Hindi ko napasin na huminto pala ako sa pag lalakad at naka hinto sa tapat ng maliit na puno nang niyog, dito ako ay umupo at malungkot na tumanaw sa malinis na tubig dagat, nang biglang may humawak sa balikat ko.

“Dennise Galvan Fernandez” wika nitong hinihingal.

teka. Tama ba to! Totoo ba itong nakikita ko! Siya nga ba talaga itong nakikita to!

“tulala ka jan! d mo na ba ako nakikilala??” pang asar nitong sabi saakin, oo tulala ako maka kit aka ba naman ng mala anghel sa harap mo, sinong bang hindi matutulala.pero teka. Bat andito to. Nag punta na sa America to noon ah

flashback

16 ako noon at siya nama’y 20, masasabi kong sa murang edad ko noon me gusto na ako sakanya ngunit ayaw kong sabihin dahil naisip ko baka di hamak na kaibigan lng ang turing niya saakin.

Isang araw binisita niya ako noon sa bahay dahil me sakit ako, naalala ko pa, mayroon siyang dalang mga bulaklak at prutas, kaso ang mga mata niya’y pilit na nangungusap, may lungkot siyang itinatago. “dennise..” malamlam niyang kuro saakin.

“grabe. Me sakit lang ako hindi ako mamamatay” panira ko ng momento niya, nakaka alibadbad naman kasi ung kaseryosohan niya eh. Kaya kahit eto ko’t latang lata eh gusto ko masaya kami.

“wag ka ngang ganyan oh eto prutas kainin mo tong mga toh ha. Tas etong mga rosas , teka hanap ako vase” mahinahon pero malungkot niyang sabi habang nag hahanap ng vase sa kwarto ko.

“dennise. “

“oh? Dennise ka ng Dennise. Kakasura nang pakinggan” pang aasar kong wika.

“malulungkot ka ba pag aalis ako?” huh?? Aalis!? Gulat sa narinig ko, napatingin nlang ako saknya ng mataimtim

“teka teka.. umupo ka nga jan… mamaya mabinat ka” sermon nia saakin, binigla kong umupo sa pagkaka higa ko. Yun ba ung sinasabing adrenaline sa klase namin? Well baka nga.. iba ung naramdaman ko nong sinabi niya yon. Parang nababasag puso ko. Pero wala naman akong karapatan dahil kaibigan lng niya ako.

“ano ba kasing sinasabi mo..”malungkot kong tono habang sumandal sa headboard ng kama ko at siya nama’y umupo sa kama at hinawakan ang kamay ko

“shhhh… “

“sabihin mo na kasi. Me sakit na nga ako tapos me arte ka pang nalalaman!!”

“aray naman eh. Me sakit ka nga pero maka hampas ka naman wagas.”

“sasabihin mo o hindi!” palarong banta ko sakaya pero naka nguso..

“o sige sige.. kaya andito ako..kasi Dennise.. aalis na ako. Biglaan. Hindi ko alam. Don na daw ako mag aaral sa America..” malungkot na sabi niya saakin. D ko alam ano ang sasabihin ko, pero  nadurog puso ko. Sa unang pagkakataon.

“ui wag ka namang umiyak Den. Mahirap din naman toh para saakin.”

“ikaw naman kasi!!” sabi ko sakanya, pero bigla nalang niya akong niyakap, nilalagnat man ako hindi niya ininda yon. Niyakap niya ako at pinunasan niya ang basang mata ko.. “shhhh.. den.. tahan na… promise. Babalik ako. Pero sana pag  balik ko, hand ka nang tanggapin ako” bulong niya saakin.

“huh????” nalito ako sa mga sinabi niya. Hello! I like simula palang nong lumipat kayo dto sa Village namin! Gusto ko saknyang isigaw pero ayaw kong sirain moment namin.

End of flashback

“ga…” naputol  kong sabi.. ano ba naman ito!! Siya nga … si Garry Villanueva nga!! Andito siya!! Pero paano. Panaginip ba ito! Bakit ang wrong timing niyang dumating kung kelan…….. napahinto ako sa pag iisip ..

“dennise ok ka lang? wag ka nang umiyak oh..” tahan niya saakin. Niyakap nanaman niya ako, parang yung yakap niya bago siya umalis papunta sa America.

“Garry.. “ niyakap ko din siya.

“namiss moko??” pabiro niyang sabi.. tumango nlng ako sa sinabi niya…

Nag kwentuhan kami sa ilalim ng puno ng niyog, pumunta kami sa bahay niya. Oo bahay niya imagine graduate na pala siya ng Engineering sa America, nakapag part time na din siya sa loob ng 2 taon.  Hindi ko na namalayan ang oras, baka hinahanap na nila ako sa hotel.

“garry, I have to go” bulong ko..

“hah.”

“3pm na oh. Baka hinihintay na nila ako”

“nila? Anjan sila tito Carl at tita Wilma?”

“hah. Wala.. asa Germany ngayon si daddy, si mommy asa New York, business alam mo na…”

“eh sinong sila?” ahhh pinapatagal talaga nia ako dito sa bahay niya. Meron din siyang pasalubong saakin na malaking teddy bear. At rosas nanaman.. binilihan niya ako ng rosas sa flower shop malapit sa bahay nila. At naalala ko, bago merong isang rosas na mukhang totoo pero hindi naman tapos pag nailawan me naka tatak na FOREVER.. itinago ko yon nong nakilala ko si AJ ayoko naman magalit siya dahil sa secret love ko noon. Pero alam niya na me secret love ako noong 16 pa ako.. tama hahanapin ko yon pag uwi.

”ahh mga kaibigan ko”

“ahh hatid na kita.”

Hindi naman malayo sa resort naming ang bahay nila Garry, sa totoo non may bahay sa likod ng resort yun ang bahay naming noon kung saan kami nag babakasyon at kung bakit ko din nakilala si Garry dahil business partner ni daddy si tito Arnel papa ni Garry.

-------------------a/n-----------------

PS: this will be the new format for my story ..

dahil sa inspired ako. ayan. tatlong UPDATE para sa REBOUND.  sana magustuhan nio ..

sana mag comment kayo at iboto ninyo etong tagalog story ko.. sana subaybayan nio din yong isang story kong: MY MERCURIAL .

maraming salamat!!

sumasainyo,

dee 

REBOUNDWhere stories live. Discover now