1st day

38 0 0
                                    

"Ma! asan na yung blowdry?" tanung ni Sam habang nagsusuklay. 

"Tinago ko, nalimutan mo na ba? tag tipid tayo ngayon, next month ka nalang magblowdry." 

"ha? hindi pwede ma! first day ko ngayun, hindi pwedeng magulo ang buhok ko!! 1st impression counts nga diba"

Tumakbo si sam papunta sa nanay nyang nagluluto. 

"Maa, sige nanaman, ngayun lang" pakiusap ng dalagita.

Hindi sya pinansin ng nanay nya. Wala nang ibang paraan na magagawa si sam, nagbugtong hininga sya at bumalik sa kwarto. 

"tsk, sa dinami dami naman ng araw ngayun pa. hindi naman ata makakasakit kung magbblowdry ako. kahit ngayun lang, isang beses lang naman eh." bulong nya sa sarili.

"hala, pano yan.. hindi ko maaayus ang buhok ko >.< ! tsk talagaaa!" 

Hinugot nya yung cp nya sa bulsa at nag gm muna.

"Good Morning :D

hayst. mukang bad har day ku ngaun ah.. 

otw to *kk* University ! 1st day >< excited na akooo :DD pero kinakabahan parin ng sobra!! kayo?

.Ingats kayo palage ah. miss na miss ko na kayo sobra.

gm." 

sabay send sa limang tao. 

Muli nagbuntong hininga si sam at nagsuklay. Bago sya umalis, inayos nya muna ang kanyang necktie at lumarga na.

"Ma!pag panget bohok ko mamaya, ALAM NA! jollibee!"

Ngumiti lang ang nanay nya pero hindi lumingon. May nalimutan kasi. :DD

10 minuto na ang nakalipas, akala ng nanay nya babalik ang anak at hihingi ng baon., eh hindi bumalik. patay.

Dalidaling kinuha ang cellphone at tinawagan ang anak. 

riing riing...

"hello? ma?"

"BAKIT HINDI KA BUMALIK?"

"bakit ako babalik? malalate na kaya 'ko"

"yung baon mo hindi mo pa kaya kinukuha!"

"ha? ah oo nga pala! bat hindi mo sinabi kanina pa?!"

"akala ko mapapansin mo, obligasyon mo kayang manghingi ng baon? ano pati yun responsibilidad ko?"

"nasa bus na ako eh! halaa!"

Makalipas ang ilang sandali, nilapitan na si sam ng kundoktor. 

"patay tayo jan..." sabi ni sam sa nanay at sa sarili.

OBVIOUS na ang susunod...

Ang resulta... Nilakad ni sam mula sa binabaan nya hanggang bahay.

Pagdating nya.

"oh ito na baon mo." sabi ng nanay nya habang inaabot ang 250 php.

Ang kawawang haggard na si sam, ay kinuha ang baon sabay alis sa pangalawang pagkakataon. 

napakamalas noh?

..... diretso na tayo.

Ang pasok ni Sam ay 7:30. Ang byahe nya naman ay humigit' kumulang 2 oras. At nakasakay sya ng bus.. 6:45. 

Mangiyak ngiyak na si Sam sa bus, ang gulo na sobra ng buhok nya, letse daw kasi yung mga tambutso ng sasakyan at hangin na nananadyang sirain ang pinaghirapan nyang ayusing buhok kahit papaano, bago umalis.

Nang makarating sya sa l.r.t may nakita syang kasabay niyang nagmamadali. Isang lalaking kaparehas nya ng uniform. Malamang parehas sila ng university. Balak nya sanang kausapin kaso nahihiya sya. Pano kasi, may itsura. Maputi, sakto ang tangkad sa kanya (maliit kasi sya), at makinis. Tumpak na tumpak sa tipo nya ng lalaki. Cute daw pati. Kahit malaman lang nya yung pangalan nung lalaking iyon, mabubuo na ng sobra ang araw nya. Kaso lang talaga, hanggang titig lang sya. 

Nang dumating ang tren, kinailangan na nyang magconcentrate sa pagsakay, sparta eh. Siksikan to the max, tulakan pa ng tulakan, muntikan na nga syang madapa, buti nalang nakahawak agad sya sa gilid. Matapus ang labanan sa pagpasok, dun lang nya napansin na wala na yung lalaking tinititigan nya kanina lang. Napa "hayst" sya syempre, wala na ang inspirasyon eh. Pero dibale, hindi naman nya inaasahang magdamag nya matititigan yun. 

Pagdating nya sa university, una nyang diniretso ay yung cr. Late nanaman raw kasi sya, bahala nalang, magaayus muna sya. Nang humarap sa salamin, ang guloooo gulo gulo ng buhok nya, bruhang bruha. Tas yung make up nya, natunaw na. yung eyeliner, kumalat pa. at yung lipstik nawala. Sirang sira talaga ang araw na to para kay Sam. Anlaki ng pinagkaiba sa plano nyang 1st day. Pero sa halip non, sinubukan parin nyang mag "look on the bright side". eh wala. naubusan na ng bright side. bahala nalang daw.

Pagtapos mag ayos ay dumiretso na siya sa room nya. 

"room 146" ... hindi pa nga sya sigurado kung saang building yun eh. paikot ikot lang sya. Pero sawakas, nahanap rin nya. 

Nang subukan nyang buksan, napnsin nyang nakalock ang pinto. "hala. pano yan?!"

Tayo nalang Kasi.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon