Nang makarating si Sam sa room nya, nakalock ang pinto sa likod. Kinabahan sya. Nilapitan nya ang pinto sa harap at dinikit ang taenga ...
"...As for today, we will simply..." Rinig nya mula sa loob. Mejo blurred, pero obvious na nagsimula na ang klase. Mas lalong kinabahan si Sam. Tumingin sya sa kaliwa't kanan.. mukang snisigurado nya kung ilan ang taong makakakita sakanya mapahiya bukod sa mga classmates nya. 4 na minuto na ang nakakalipas at natatakot parin siyang buksan ang pinto.
"nine... nine... pagbilang ko hanggang 9... bubuksan ko na to! >.<" sabi nya sa sarli. (bakit 9? favourite number nya kasi yun)
"isa...dalawa...tatlo..apat..lima..anim...pito...walo........................................
walo............
walo...........................!
SYAM.!"
Pag twist nya ng doorknob, sakto! binuksan ng prof ung pinto at nagkaeye to eye sila.
"uh.. Good Morning maam..Sorry Im late..?" halos pabulong na sabi ni Sam.
Hindi mukang maldita yung prof nya, sa totoo nga, ambait ng itsura eh. Kaso nung nagsalita..
" You are?"
"ah, Samantha Krysten DeLeon.."
"Ah. Well Ms DeLeon. Hndi ka po late. You are ABSENT in my subject. Its been 45 minutes, too bad for you hindi ka umabot at nadismiss ko na ang klase. Sa susunod kasi, pumasok ka on time."
"ah um.. yes..maam.."
Pagtapus ay binigyan sya ng matalas na tingin na nagsasabing.. TABI.
Naalala ni Sam na nakaharang pala sya sa daanan ng prof kaya tumabi sya duon. Duon sa gilid na gilid, kung san hindi sya makikita nung mga classmates nya. Hiyang hiya sya pumasok. Lalo na pagtapus ng sinabi sakanya ng prof na yun. Nanaliti sya sa lugar na hindi sya makikita habang nakikinig sa mga usapan at komento ng mga classmates nya sa loob
"uy, asan na yun? bat nawala?"
"haha, nahihiya ata. ATE, PASOK KA NA WALA NA YUNG PROF."
"OO NGA ATE, TARA NA SA LOOB, WAG KA NANG MAHIYA."
"haha bat kasi ngayon lang pumasok. yan tuloy"
"hui, atlis nga pumasok pa eh haha nako to"
"PST. anu bayan kaya nahihya sya pumasok eh."
"haha"
Ang kawawang si Sam, mas kinabahan pumasok dahil sa mga naririnig nya sa loob. kasabay nun, nadaan sa isip nya..
"bakit ganun..? parang ambilis naman ng mga kaklase ko maging magkakaclose.. panu to ngayun.. loner nanaman ba ako..!?-"
Nang biglang, may lumapit sakanyang babae mula sa loob. Maganda yung lumapit, maputi at may tangkad.
"ui ate, haha wag mo nang alalahanin yung mga pinagsasasabi nung mga yun, tara na sa loob" sabi ng babae habang nakangiti.
"ah.. sige... sandali lang..."
"haha, bakit...?"
"wala..sige, papasok rin ako.."
"ganun ba, tara na, sabay na tayo :D"
Nako to. Eh pano naman kaya tatanggi nyan si Sam.
"ah..sige na nga..." sabi ni Sam tutal wala naman siyang mapapala sa labas.
"ako nga pala si Michelle Silak." pakilala nung babae. Nagsmile si Sam. Mukang madali itong maging kaibigan eh. Kumportable kausap.
"ako po si Samantha.. pero kahit Sam nalang."
"oks, "
Pagpasok nya sa loob, halos lahat babae. 3 lang ang lalaki...at mukang bawas pa..nako, e pano na yung lovelife na pinaka aasam asam ni Sam? Ilang saglit lang naalala nyang yung course nya pala ay hindi dayuhin ng mga lalaki... yan tuloy... kasi eh.!
Dumiretso na si Michelle sa kung san sya nakaupo. "tara, Samantha, dito ka nalang maupo" sabi nya habang tinuturo ang bakanteng upuan sa likod nya. At dun nga umupo si Sam.
"hi, what po name mo?" tanung ng isang babaeng katabi ni Michelle.
"Samantha Kysten DeLeon.."
"ah, ako si Jean Salvador" pakilla nya. Si jean ay mejo maliit.. siguro kasing tangkad ni Samantha. At kapansin pansin ang ayus ng buhok ya. Maganda. Naka "up do" na bun na may tirintas.
"ako si Rica Cruz." pakilala nung katabi ni Samantha. Si Rica naman ay matangkad tangkad na kayumganggi. Naka layered na haircut sya.
"hi, ako nga pala si Jasmine Pasqual" pakilala nung isa pang katabi ni Michelle. Si Jasmine ay sakto lang ang tangkad at mahaba ang buhok.
"o, anu nangyari bakit ka nalate?" tanong ni Jean
"ah, ano kasi... Naiwan ko baon ko kaya binalikan ko pa kanina..."
"ganun ba,grabe edi pano yun? Linakd mo pauwi? Malayo ka na ba nung nalaman mong wala ka palang baon?"
"Hindi naman kalayuan.. Pero mahaba rin yung nilakad ko..haha"
"buti nalang kinaya mo" Sabay tawa si Jean. Tumawa rin yung iba.
Hindi nagtagal, nasanay na ang lima sa isa't isa. Kumbaga opisyal na na friends na sila. Yung tipong twing vacant, sila sila magkakasama, tas twing groupings, sila sila na rin.
Nung gabing iyon, habang pauwi na si Sam, napasmile sya... Minsan lang kasi siya magkaron ng ganun kadaming kaibigan sa isang classroom. Ang normal kasi na nkakausap Nya dati ay hindi tumataas sa isa. Kaya naman para sakanya, sobrang grabe na talaga nun.
Nang dumating sya sa l.r.t. ... Naalala niya yung cute kanina. Napalingon sya sa paligid, baka raw kasi nasa tabi lang. Kaso wala tagala eh..sayang. Dumiretso na siya at umuwi na nung gabing iyon.
Sa Bahay....
"O, musta first day mo?" tanung ng ate ni Sam, si Alicia.
"ayun...haha masaya! andami ko nang friends!"
"Akala ko ba wasak ang araw mo ngayon? dahil dun sa blowrdy.."
"nako, blowdry blowdry na yan... lintek. Pero dibale, nakabawi naman ako sa kamalasan haha"
"ganun..? sige. edi magluto ka na"
"ok."
SKIP NA TAYO.
Nung gabing iyon, bago magpahinga si Sam, panandalian nya munang kinuha ang kanyang bagumbiling diary at nagsulat.
"Dear diary,
Ito ang unang sulat ko sayo. Wag kang magpapabasa sa iba ha. Kahit sa ate ko, mag ingat ka. Tsismosa pamandin yun :) Anyways po,
Alam mo ba, ang pangit ng umaga ko kanina, sobrang puno ng kamalasan at kabwisitan, pero nang pumasok na ako sa university.. nakahanap ako ng madaaaaaming kaibigan, at ansaya saya na namin :D Sana magtuloy tuloy na yung ganitong kasiyahan, sana hindi ko na uli maranasan yung katulad nung highschool ko...at sana.. magkalovelife na ako >.<
Ah! ou nga pala, kanina sa l.r.t. , may nakita akong sooobrang gwapong lalaki. Destiny ata ang nagtagpo sa amin kanina. aha jowk. Kaso lang kasi, panandaliang titig lang yun, ang hirap kasi sumakay.. hay.. sana magkita uli kami...haha tiwala lang :D
So, yun lang muna sa ngayon, :)"
...............................
AHAHAHAHAHAHA. ayun, sa next chapter na lalabas si Ethan :D sory pows andaming kaechosan ng story ko haha, pero sana naman po nagustuhan nyo :>
BINABASA MO ANG
Tayo nalang Kasi.
Teen FictionSi Samantha Krysten DeLeon ay isang NBSB na matagal nang naghahangad ng lovelife. KASO, nahahadlangan ito ng insecutiry na nadevelop nya mula sa kanyang highschool life. Ngayong college na sya, handang handa na sya mapasakanya ang crush nya. "eto na...