Crush

31 0 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas mula nang magsimula si Sam maging isang college student. So far, maganda naman ang daloy ng 1st week nya sa *kk* University. Meron na syang 4 na kaclose na friends, hindi sya binubully o inanano ng kaht sinuman sa classroom, at magaganda ang grado nya. Pero bat ganun...parang may kulang...

"LOVELIFE.!" sigaw ni Jean.

Ang tahimik na nagbabasa na si Michelle ay napa ano daw? Kinalabit ni  Rica si Jean at sinabi, "o, anu nanaman yang dinadakdak mo dyan?"

"gusto ko ng LOVELIFE!" muling sumigaw si Jean.

"haha bakit? anu meron? bat biglaan?"

"EH KASI....EH"

"eto, haha HALIPAROT.! aral muna :D" sabay siksik ni Jasmine. 

Habang naguusap usap ang apat, lumapit si Sam, kakapasok lang kasi nya eh.

"anu meron?" tanung nya.

"itong si Jean, biglang gusto magkalovelife haha" sagot ni Rica.

"ah, ha? eh diba may boyfriend ka?"  sabi ni Sam nang tumingin kay Jean.

"ha? boyfriend..? panu mo nalaman..?"

"ah, nakita ko pic nyu sa cp mo eh"

"aaaaagh!!!! buburahin ko na yun >.<"

"oh, bakit?"

"wala na! tapos na ang lahat sa amiiiin! ayaw ko na! maghahanap nalang ako ng bago!" 

"ah, kaya ba bigla mo gusto magkaLOVELIFE (ulit)? haha" sabay singit nanaman ni Jasmine.

"nako, kung alam mo lang."

Tumawa si Sam at yung iba.

"NANDITO NA SI MAAM," Inanounce nung isa nilang classmate.

"ui, haha patay yung assignment -!"

...........<3 

 BREAK (2:30)

Dumiretso ang lima sa isang canteen sa loob ng building. Hindi sikat yung canteen, sa katunayan nga, iilan lang ang dumadalaw don, pano kasi, yung mga tinda ay yung mga lutong bahay lang, hindi yung katulad nung mga fastfood sa labas, punong puno dun, (starbucks,jollbee,kfc, mcdo etc). So anyway, yung canteen na yun ay yung paborito nilang tambayan, tahimik raw kasi at parang reserved sakanila dahil wala masyadong tao. Masarap pa yung luto at mura, ayun, syempre nga naman. 

"hmm, tipidin ako ngayon, siguro magtotocilog lang ako,kayo?"  tanong ni Rica.

"tara, samahan mo ko, pili ako dun" sabi ni Michelle matapus kunin ang wallet sa bag. Habang ang tatlo naman pansamantalang nanatili dun sa table.

Kinuha rin ni Jasmine ang cp at wallet nya, "ui, bili na rin ako ha" 

"ah, sabay na'ko" pahabol ni Jean habang buhat ang bag. "ui, ayus ka lang dito? tara bili na tayo" sabi nya nang lumingon kay  Sam.

"sige sige, dito muna ako, babantayan ko mga bag nyo" sagot ni Sam

"anung babantayan? haha halos kaya walang tao dito girl, sinong magnanakaw jan?" 

"malay mo haha, sige na, bili na kayo, wait may katext pa naman ako eh"  sabi ni Sam pero wala naman talaga.

"sige, sabi mo eh, wait lang ha"

"osigesige :D"

Habang bumibili yung apat, papeke pekeng txt si Sam. Draft lang talaga yun (HAHA). 

hayst- bantay bantay rin ng baggggg..... txtxtxtxtxtxtxtxtxtxtxtxt...? kunwari nagttxt ako :D ahihihi kekekekeke. anu kaya kakainin ko 2day? ah! alam ko na yung an-- 

Tayo nalang Kasi.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon