When it Rains

42 1 0
                                        

Hindi ko maamin sa kanila, Pero sobrang nasasaktan na ako. tinago ko lang to pero I can't hold it anymore. Si Sophie nagbago. Dati naman she's really kind, mabait, mapagmahal.. It just.. faded.

Dati lagi kaming magkasama, masaya, nagkukulitan. Parang sisters ba ang relationship namin. Pero simula nung tumakbo kami for Supreme Government parang nagbago na siya. Nakakalungkot isipin, but nangyari na eh. Masakit, but I have to accept things. Na hindi na mababago yun..

I decided na iwasan ko muna ang lahat. I need space, fresh air, everything. Kaya ko naman siguro mag-isa diba..

Okay.. No man is an Island. kailangan ko ng kausap. Kasi kung hindi ako magsasalita baka lumala lang ang nararamdaman ko. Masyado nang masakit. Kailangan may magpagsabihan..

Pero sino...?

Si...

Si..

Si..

Nate? makikinig ba siya? Nahihiya ako.. Pero.. Wala na akong choice..

I've got to try things out. Sana matulungan niya ako..

Break time. Dumaan ako sa room niya, sumilip ako. Nakita ko siya. Natutulog. Palagi ba siyang puyat? Naiistorbo ko yata siya.. Pero.. Kailangan ko subukan diba. Pero..

Fine. I'll do it.

"Nate, Uh.. Pwede tayong mag-usap?"

"Sige lang."

Nagpunta kami sa lugar na wala masyadong tao. Like yung Covered Court.

May mga naglalaro na sophomores. Napatingin kami ng ilang minuto hanggang sa binasag niya ang katahimikan.

"Ano bang problema mo? Bakit parang hindi mo kasama best friends mo?"

Napaiyak ako ng hindi oras.

"Uy! Uy! Wag ka umiyak!" nagulat siya.

"S-sorry.. Now that you've mentioned.. Sila ang problema ko."

So binuhos ko lahat ng mga sama ng loob ko sa kanya. Na kahit kelan hindi ako magagalit kahit nagbago na sila. Dahil naiintindihan ko sila.. At sila pa rin ang best friends ko..

"Bakit ba kasi ang selfish mo? Bakit hindi mo sabihin sa kanila yung nararamdaman mo?"

Selfish. Alam ko, pero mahal ko masyado ang mga kaibigan ko. Ayoko naman na ayawin sila.. Siguro one day marerealize din nila. One day.. Hay. Aasa ako kahit impossible na.

"Buti pa ako wala akong ganyang problema." Tumingin siya sa mga naglalaro.

Wow. relaxed lang siya. I never seen him like that before. He's really nice.. nanglalambot ang puso ko sa kanya. WTF BRAIN. nevermind. forget that.

"Siguro hihintayin ko yung panahon na maiintindihan na nila." Sabi ko at tinanggal ko ang luha ko.

Pinabalik ko na siya sa klase niya kasi baka may gawin pa siya. Hindi ko alam anong klase tong nararamdaman ko. Or baliw lang siguro ako. ugh! scumbag brain.

Simula ng araw na yun, lagi na kami nagkakasalubong. Kapag napapadaan ako sa bench at nandun siya, lagi na kami naguusap. Lagi ako nagpapasabay sa kanya sa canteen. Parang, close na kami. Pero, yung ibang students binibigyan kami ng malisya. Basta ba magkasama eh iniisip kami na.

Masaya akong kasama siya araw araw. Kinukumpleto niya araw ko. I found comfort sa friendship namin..

Hanggang sa dumating ang araw na hindi ko inaasahan..

~

Just Be FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon