*Kring* *Kring*
Nagising ako. Oo nga pala, Field Trip.
Ready na ako. Tumawag si Anisse.
"Nette. Gusto mo pumunta dito? Susunduin namin si Matt. Gumawa kami ng bento para sa kanya."
Okay, so isa nanaman tong kaartehan. pero kung para naman kay Anisse okay lang.
Nagmadali na ako pumunta sa bahay nila at nakita ko si Sophie doon.
"Nette, gumawa ako ng bento! Yung isa para kay Matt, isa para kay Nate!"
Nate? alam ko hindi siya mahilig sa mga ganitong kaartehan. Pero sasakyan ko na lang ito.
Naghanda na sila at nagpunta sa bahay ni Matt.
Nagtawanan muna sila saglit at naghanda na si Matt para sa lakad namin.
"Saan ba bahay ni Nate? sunduin din namin siya!" Bungad ni Sophie.
Tinuro ni Matt yung direction.
Nagmadali na si Sophie, excited na siya makita si Nate eh.
Then nakita na namin yung bahay niya. Lumabas si Nate, magulo buhok niya.
Natatawa ako sa itsura niya. Ganun pala itsura niya kapag bagong gising?
"Ano ba yan. Sino nagturo sa inyo ng bahay ko?"
He seems really funny though.
Hinihintay lang namin siya magbihis. Iniinterview ako ng kuya niya.
Tumuloy na kaming magkakasama at pumunta na kami sa destination namin.
Sumakay sila ng jeep.
"Kulit mo talaga eh no. Sabi ko sayo, ayoko sumama." sabi ni Nate
"Ako ba nagplano? bakit di mo tanungin yung isa?" sabay turo ni ko kay Sophie.
Napansin kong masama ang titig sa akin ni Sophie. Bakit?
Bigla na lang siyang gumitna sa amin.
"Nette! malapit na ba tayo?" sabay ngiti sa akin.
Alam naman niya daan ah.
"Ah, Oo. ayan na nga oh."
Nagsibaba na kami sa gate. At nagsimula na kami pumila.
Napunta ako sa likod. Syempre officer ako.
nasa likod si Nate, tumitingin sa paligid. Lutang siya.
Bigla akong nilapitan ni Sophie.
"Pumunta ka dito sa likod para mapalapit kay Nate no?"
Ano? wow.
"Hindi, obligasyon ko bilang officer."
Bigla siyang bumulong sa tenga ko.
"Subukan mo lang siyang lapitan, at kalimutan mong magkaibigan tayo."
I was shocked. Bakit? bakut parang masakit sa akin? Bakit umabot sa ganito?
Bakit kailangan ko siyang layuan, pero.. paano kung.. bakit..
"Sure."
Wala akong magawa.
Tumingin tingin na lang ako sa paligid, at napatahimik.
What the fork Nette. Ano ba problema ko? Parang lalayuan lang. Anong meron? Gaga lang? Ano naman kung nagkalayo kayo? kaya mo mabuhay ng wala siya.
Kaya mo.
Napaupo na lang ako sa sahig. Napaisip ako.
Biglang..
"Lukot mukha oh." Sabay hila ng aking paa. Kinaladkad niya ako sa sahig.
"UYY! ANO BA?!"
nagtawanan silang lahat. nakakatawa ba yun? ugggh!
Sinamahan nila Matt at Annise si Nate at hinila nila akong tatlo. sakit.
Pinatigil ko sila and I fake a smile.
After nun, nagpunta kami sa park, naglalaro sila. habang ako, nanunuod na lang.
"Bakit ba lukot mukha mo? ang pangit." bungad ni Nate.
"Wala." Sabay tawa.
Alam kong nagpepeke nanaman ako.
"Ayokong.. Malungkot mga kaibigan ko." Sabi ni Nate.
Ayaw niya? when did he care.. about it..
"Its better wag tayong magusap."
"Huh? Bakit?"
"Kasi.."
"Guys dun tayo sa kiddie park!" sigaw ni Anisse. Parang bata talaga.
Lahat sila naglaro. Napaupo ako sa sulok. Bakit ba parang wala akong gana?
"Meoow." May dumating na pusa sa tabi ko. Buti pa yung pusa, companion ko.
"Ano ba problema mo ha?"
Napatingala ako. Si Nate pala yun.
"Drama mo! alam mo, habulin mo na lang ako. TAYA!" sabay takbo ni Nate.
Ugh. okay, makikiride na lang ako sa gusto niya.
Napagod ako kakahabol. Ang hina ko kasi.
Nagdecide na kaming umuwi kasi late na. We rode on a bus para hindi hassle.
Magkatabi kami sa Bus.
Sumandal kaya ako sa balikat niya? Pero.. Nakakahiya.
Napalingon ako sa kabilang side, NAKASANDAL SI ANNISE KAY MATT?!
Woah. Lakas ng guts ni Annise ah..
"Nette, ano yung simbahan na yan?" Sabay kalabit ni Nate.
"Ah, Quiapo church." Sabay ngiti.
Gusto ko sumandal sa kanya.. HUH?! WHAT?! inaakala kong unan balikat niya.
I should stop this.
"Baba na ako ah. Dito nako. Bye." Bumaba na ako sa bus,
he's watching me go..
I wish.. those moments lasted longer..
dahil alam kong..
minsan ko lang mararamdaman yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/1620407-288-k378904.jpg)
BINABASA MO ANG
Just Be Friends
Novela JuvenilMinsan, Kailangan piliin mo kung saan kayo mas tatagal. Dahil ayaw mo talagang mawala siya. Kahit gaano kasakit, kailangan mo tanggapin. Dahil sa sobrang pagmamahal mo sa kanya.