"What makes you beautiful"

1 0 0
                                    

" .. Baby you light up my world like nobody else,
The way that you flip your hair gets me overwhelmed
But when you smile at the ground it ain't hard to tell
You don't know, oh oh
You don't know you're beautiful .. "

I bang my head as I feel the beat of the music coming from my earphones.

It's a song that is very near to my heart. Hindi dahil sa kasapi ako sa grupo ng mga may isang direksyon sa buhay kundi dahil naaalala ko sa kantang to ang babaeng bumubuo sa pagkatao ko.

My angel.

My partner.

My bestfriend.

- - - - - - - - - - - - - - -

Ninanamnam ko ang kapayapaang hatid ng pag announce ng kaklase ko na wala raw kaming first subject ng biglang sinira yun ng isang dumadagundong hampas sa likod ng mala-padel na kamay ng bestfriend kong si Petra.

"Hoy! Unggoy! Wala raw tayong pasok! Tara kain muna tayo. Libre mo ako. Mehehe." Sabi ng bestfriend kong panira ng kapayapaan.

Ayan na naman ang bunganga niya. Mas lumaki pa lalo dahil sa braces. Ewan ko ba bat nagpa-braces to. Tsk

"Kelangan talaga may kasamang hampas?! Tsk. Ikaw na nga itong nag aaya ikaw pa tong magpapalibre? Galing mo rin eh ano? Tsaka may tenga ako. Narinig ko yung announcement." Sabi ko habang panay hampas parin si Petra sa likod ko.

"Ehhh! Wag ka ng KJ jan. Tsaka di ako nag breakfast kaya tara na."

Sabay hila sakin palabas ng classroom papunta sa canteen. Ewan ko ba sa babaeng to. Mas lalaki pa ata to sakin eh.

Habang naglalakad kami papuntang canteen. Bigla nalang siyang bumulong sakin.

"Uy unggoy. Dinala sana natin yung cap mo. Nakakahiya yung buhok ko."

I looked at her with disbelief in my eyes.

I mean.. Ever since kindergarten di naman nagbago ang look niya e. She still has those curly hair na pwede mo ng maihahambing sa pancit canton dahil sa pagkakulot nito. Those thick eye brows na pwede na atang bigyan ng trim. Those blue braces na i think she already considers as her "ka-forever" sa tagal na nilang magkasama. And her loose and baggy uniform na kasya ata dalawang tao pag sinuot eh.

"Kabayo, after all those unevolving years of your fashion life. Ngayon ka pa talaga magrereklamo?"

She looked at me hesitantly and said, "Di naman sa ganun. Tingin ko kasi pinagtitinginan nila ako at kinukutya sa isip nila."

Nang makarating kami sa canteen, agad kaming omorder at umupo sa bakanteng mesa.

Habang lumalamon tong kabayong to na parang wala ng bukas. I looked at her and said,

"Alam mo, kahit mukha ka pang kabayo na may braces na kulay blue. I will still be your bestfriend. I don't care what you look like nor what you are. Basta kaibigan kita. Nothing will ever change that. Looks doesn't define who you are or whom will befriend you. Napapasaya mo ako because of your funny antics at lalo na ng mukha mo. Sapat na yun sakin para di ka husgahan."

Nakatanga siyang tumitig sakin sabay sabi ng, "Wow. Sa lagay na yun di mo ako hinusgahan ha? Natats ako Unggoy. Grabe! Andrama mo. Ewan ko sayo"

Napatawa nalang ako ng mahina dahil sa pamumula ng mukha niya. Para na tuloy siyang kabayong nagpa-tan na may braces.

- - - - - - - - - - - - - - - - - -

".. If only you saw what I can see
You'll understand why I want you so desperately
Right now I'm looking at you and I can't believe
You don't know, oh oh
You don't know you're beautiful, oh oh
That's what makes you beautiful .."

She may not be that attractive to others. But to me she is and will forever be..

My angel.

My partner.

My bestfriend.

My girlfriend.

-------------------

Lame. Hahaha xD

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot Stories (Compilation)Where stories live. Discover now