Chapter 3: The Birthday SURPRISE!!!

223 0 0
                                    

Neil's POV

July 19 ngayon, as usual kelangan na namang pumasok sa school. Bakit kaya kelangan pang pumasok pwede naman sigurong nasa bahay na lang at patambay-tambay doon. I went to school together with my NABS brothers riding my car. Akin ha. Akin talaga.

Pagdating ko sa school, I mean namin, as usual, tinginan parang may artista na dumating lang eh. Para ngang more than artist pa kami, more than f4.

Aby: Hi babe! Sunod na naman ang tingin ng mga girls sayo ah. Hi Andrei, Joshua at.. Marcus.

Siya si Abygaile. Girlfriend ko. Ang kauna-unahan kong babaeng minahal at kahit kelan hindi ko siya ipagpapalit kahit kanino.

We then went to our room. Sa room, nagpakilala ang bagong substitute teacher tapos kami naman ang sumunod. Anu ba yan?! Kelan kaya darating yung oras na hindi na kelangang magpakilala.

Maya maya, tapos na rin kaming magpakilala. May activity na pinagagawa.

Neil: Hoy Andrei! Pakopya. Hindi ko ito alam. Anu ba ito?

Andrei: Ayoko nga! Mamaya ka na di pa ako tapos.

Neil: Dali na naman Tol. Para saan pa at naging NABS Brothers tayo kung hindi mo rin lang ako pakokopyahin.

Andrei: Sandali lang tol. At saka tandaan mo, mag-aral ka rin hindi yung lagi kang aasa sa amin. Matalino ka naman eh. Tamad lang.

Neil: Tamad? Sinong tamad? Bawiin mo yang sinabi mo.

''Mr. De Los Reyes and Mr. Ren, quiet! Kanina ko pa kayo napapansin ha!''

Ano na naman?! Wala na atang teacher na nakakaintindi na kahit paminsan-minsan kelangan ng kaingayan. Tsk. Katamad na talag ang buhay dito!

''Ms. Aquino, would you please exchange chairs with Mr. Ren? I think it would be better if you would. Please?''

Steph: Ok miss.

Anak ng tokwa o! Bakit ba naman pumayag pa iyan! Ano ba? Sana si Abygaile na lang maayos pa siguro mangyayari sa akin. Kung sa bagay, ayos na rin naman. Matalino naman ito eh. Ito ang kalaban ni Abygaile sa valedictorian. Mahigpit na kalaban. Sana nga lang magpakopya ito.

Neil: Pssst. May lapis ka?

Steph: Oo.

Neil: So?

Tumingin lang siya sa akin na parang wala lang. Hoy, nanghihiram ako. Ang slow mo!

Neil: Nasan na? Hindi mo ba ako papahiramin? Duh. Nagtatanong ako kung may lapis ka so..

Yumuko siya at kinuha ang pencil case niya. Ayan, good. Maalam naman pala ito eh. Binigay niya sa akin ang lapis niya. Ano ba ito? Puso puso? Lalaki ako hoy. Anak ng tokwa naman o.

Neil: Anu ba to? Anu bang klaseng lapis to? Pink napuso puso pa. Akin na nga ang pencil case mo alam kong meron ka pang iba jan.

Hinalbot ko sa kaniya ang kanyang pencil case.

Steph: That's all I have. I have no more pencil. That's the last one.

Neil: Meron ka pa! Alam ko yan! Akin na nga yang pencil case mo!

''Mr. De Los Reyes! Ms. Aquino! What's happening there?''

Ha? Ako na naman? Anak ng tokwa o. Wala akong gingawa dito. Nanghihiram lamang ako.

Steph: Miss. He was borrowing a pencil so I gave him a pencil and yet he is still asking for another just because it's pink and has hearts on it.

Aba at ako pa itong may kasalanan?

Typical Love Story [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon