17 | jisung

587 43 3
                                    

Jisung

Magkakasama kami ngayon sa dorm, kumpleto kami ngayon. Buti na nga lang walang appointment ngayong araw si Danik, siya pinaka-busy sa'ming 11 eh.

Kumakain kami ngayon. Maingay, 'di na mawawala sa sistema ng Wanna One 'yan. Bunganga palang nina Seongwu at Woojin tiba-tiba na eh. Dagdagan mo pa ng nakakarinding at napakatining na tawa nina Jaehwan at Sungwoon. Wala na, basag na eardrums ko.

Katabi kong kumakain si Minhyun at naka-muscle tee lang siya. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong napalingon sa balikat niya at napansing may pasa 'yon.

Mahilig mangagat si Dana at kapag nangangagat 'yon, nag-iiwan talaga ng marka at minsan, nagpapasa pa.

Lalong naningkit mga mata ko, simula nung makita ko siya sa condo unit ni Dana nag-iba na tingin ko sa kanya. Kung dati binabalewala ko lang yung simpleng bagay, ngayon nabibigyan ko na ng malisya at konektado si Dana do'n.

Ang pinagtataka ko lang, Bakit ayaw nilang ipaalam kahit sa amin man lang?

"Minhyun bakit may pasa ka diyan?" Tanong ko sa kanya. Enough lang yung lakas ng boses ko para kaming dalawa lang makarinig.

"Ah eto, nasipa ni Jaehwan." Sabi niya. Narinig ata ni Jaehwan na binanggit ni Minhyun yung pangalan niya kaya napalingon siya sa'min at tinanong kung bakit.

"Wala, kumain ka na ulit." Sagot ni Minhyun.

Hmm...

Mukhang magiging espiya kami ni Lyka nang wala sa oras.

Target: Dana at Minhyun

❝ site ❞ ➳ y.jsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon