Lyka
Nung sinundo ako ni Kuya, dun ko lang nalaman na nasa mental hospital pala si Kino
Hindi siya baliw.
Kundi depressed.
Ilang buwan na palang depressed si Kino, ni hindi man lang niya sinabi sa akin o sa kahit na kaninong ka-member niya. Sinabi niya kay kuya yung dahilan kung bakit siya nakipagbreak sa'kin.
Mahal pa rin daw ako ni Kino, hindi naman daw nagbago 'yon. Kaso sobra siyang na-depress kaya naisipan niyang makipagbreak at lumayo. Feeling daw kasi niya mag-isa lang siya.
I understand, ganyan naman talaga feeling kapag depressed ka. Even though you're not alone, feeling mo mag-isa ka pa rin.
Kahapon lang daw nalaman nila Kuya na ganon ang sitwasyon ni Kino. Matagal na pala siya labas-masok sa mental dahil kailangan siyang i-check lagi.
He's drinking anti-depressant medicine naman daw kaya okay na. Kailangan nalang talagang i-observe.
Pagdating namin sa ospital, pinuntahan agad namin yung room niya at nadatnan ko siya sa gilid nakaupo sa sahig habang may nakapasak na earphones sa tenga niya
"Kino.." hindi ko napigilang umiyak nung makita ko siya.
Geez mahal na mahal ko pa rin ang isang 'to.
"Lyka?" Gulat na sabi ni Kino. Tumayo siya at tinanggal yung nakakabit na earphones sa tenga niya. Niyakap ko siya agad.
"Lyka, I'm sorry." Sabi niya
"Shhh. You don't have to say sorry, I understand you." I said then cupped his cheeks. "Always remember na andito lang ako lagi para sa'yo, kung ano man yung pinagdadaanan mo I'm willing to be there for you 24/7. Hindi mo kailangang isiping iiwan kita o mag-isa ka kasi you're not. We're here. Your family and friends are here for you. I'm here for you."
Umiiyak na rin siya, "Sorry talaga. I'm such a jerk for breaking up with you in a bad way. I don't mean it—lahat ng sinabi ko. I'm so sorry Lyka."
"Ano ba, naiintindihan kita. Just promise me, hindi mo na uulitin yon. And please always remember that I'm here for you ha?"
Tumango siya at bigla akong niyakap.
"I love you, Lyka. I love you so so much. Thank you for everything."
"I love you too, Kino. I love you so much."
BINABASA MO ANG
❝ site ❞ ➳ y.js
Short Story↝ ❝ bakit may screenshot ka ng porn site?! ❞ ↜ ↭ epistolary & narration ↭ wanna one series #9 ↭ date started (09/26/18) ↭ date completed (10/31/18) highest ranking achieved: #4 in wannaone (10.21.18) #3 in jisung (10.14.18) #2 in yoonjisung (11.2...