34

537 30 0
                                    

Lyka

Panlimang araw na namin dito sa Sokcho. Wala yatang balak umuwi pamilya ko, pero okay lang din naman, maganda kasi rito tsaka nageenjoy naman talaga ako.

"Lyks?"

Napalingon ako nung may tumawag sa'kin, paglingon ko, si Kuya

"Uy kuya." Sabi ko, tumabi naman siya sa'kin

"Musta?"

I chuckled, "You've been asking me the same question for a month straight now, kuya. Sabi ko naman sa'yo, I'm okay."

"Naisip ko lang, hindi ka ba nagtataka kung ano reason ni Kino kung bakit siya nakipagbreak sa'yo?"

Kung alam mo lang kuya, kung alam mo lang

"Siyempre nagtataka pero ano pa ba magagawa ko? Ayaw niya na nga ako kausapin eh."

"Mahal mo pa rin ba?"

"Of course, kuya. Hindi naman mawawala yon agad agad. Kung gaano ko siya minahal nung kami pa, ganon ko pa rin siya kamahal hanggang ngayon. Hindi naman madali magmove-on."

"I'm so sorry, Lyka."

"Bakit ka nagso-sorry, Kuya?"

"Kasi hinayaan kitang masaktan, ni hindi man lang kita naingatan."

"Kuya, hindi naman sa lahat ng pagkakataon lagi mo akong po-proteksiyonan. Pero thank you kasi andiyan ka lagi para sa'kin. Tsaka ano ba, change topic nga tayo, ang emo emo natin eh." Sabi ko. He chuckled.

"Siya nga pala, susunod mga kaibigan mo rito."

Nabigla ako sa narinig ko, "Sinong kaibigan?"

"Edi yung tropa niyo nila Faye. Tinawagan ko sila para samahan ka muna rito. Uuwi kasi ako ng Seoul dahil may kailangan akong gawin do'n."

"Seryoso ba? Salamat kuya!"

"Anything for you."

❝ site ❞ ➳ y.jsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon