Chapter two: Friends
Dianne's Point of view
Nandito ako sa loob ng bahay nila kumakain ng hapunan, yes you read it right! dito ako naghapunan kasi sabi nila hindi pa ako makikita ng mga tao. Pinaliwanag na din nila kung ano ang nangyari sa akin. Na humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko pero maaari pa akong makabalik once na masulusyunan ito ng doktor.
Habang kumakain, kanina ko pa napapansin na tingin sa akin ng tingin si Jansen. Feeling ko talaga insecure sya sa beauty ko. Pano titingin sakin tapos pag tumingin din ako tsaka nya ako iirapan.
Buti pa si Bebe John tuwing titignan ko nginingitian ako. Owemgi! baka sya yung the one ko? kaya hindi ko sya mahanap kasi andito sya sa lugar nila? hala!
"Jansen, dahil wala ng kwarto ang bakante bukod sa kwarto mo, napagdesisyunan ko na sa iyo muna matutulog si Dianne." what?! di ba pwedeng kami na lang ni Ynna ang magkatabi or ni bebe John? bakit sya pa?
"Pero boss--" hindi pa natatapos ni Jansen ang pagpoprotesta nya ay pinutol na kaagad sya ni San Pedro.
"Huwag kang mag-alala sa susunod na araw ay kayo na ang magkatabi ni John. Sa kwarto na ni Ynna matutulog si Dianne" o yun naman pala e. Pero bakit bukas pa? bakit hindi na ngayon? lilipat lang naman ng kwarto ah? kailangan may preperation?
"Pero bakit hindi po ngayon na? pwede naman pong lumipat si beb-John kay sa kwarto ni Jansen ngayon ah?" humaygas muntik ko ng matawag ng bebe si john kanina!
"Oo nga naman boss" pagsang ayon ni Jansen.
"Dahil dama ko na hindi pa kayo komportable sa isa't isa. Ayoko ng ganon dito sa bahay ko. Kaya't kung maaari ay ayusin nyo yan mamayang gabi" ah kaya naman pala. Ayos na rin yon para magkasundo naman kami netong sungit nato. "Ayos lang ba iyon sa'yo, Dianne?" dagdag pa niya.
"Ayus lang po sa akin!" masigla kong saad at tumingin kay Jansen, agad naman nya akong inirapan. Hays palagay ko mahihirapan kaming maging komportable sa isa't isa hays.
"Kung gayo'y bilisan nyo ng kumain para maiayos nyo na ang magiging kwarto nyo." sabi ni San Pedro habang pinupunasan nya ang bibig nya gamit ang puting bimpo.
Agad naman akong pumunta sa kwarto ni Sungit--este Jansen pala para makabagpahinga na.
Hindi nag tagal ay pumasok na din si Jansen at naupo sa gilid ng kama.
"Uy, Jansen" pasuyo kong tawag sa kanya.
Nilingon nya ako kasabay ng pagkunot ng kanyang noo. "Bakit?" kahit ako dama ko na parang may kakaiba sa isang to. Hindi ko alam pero feeling ko may galit sya sakin kahit hindi ko alam kung ano ang nangyari.
"Uhm.. hi?" medyo ilang kong sabi. Pano ba naman kasi nakakunot na naman ang noo niya!
"tss" wow! ang haba ng sinabi niya a? nahiya yung 'hi' ko.
"Uhm.. kamusta?" patanong kong tanong sa kanya. Gusto ko lang naman ng 'closure' para naman diba? walang ilang-ilang
"Hays. Alam mo bang pinaka ayoko ang mga babaeng makulit?" tugon niya sa tanong ko.
Makukit ba ako? hindi naman. Sabi ni mama hindi naman daw ako makulit, sadyang palakaibigan lang daw ako.
"hmm.. okay na iyon kesa naman boring diba?" umakyat ako sa double deck na kama dito sa kwarto na'to at nahiga.
BINABASA MO ANG
He's my Scheduler
FantasyAre you willing to take the responsibility of being an Scheduler's wife or you're going to live with your family? Forgeting that in the past you met your true love and the one but not a living person? What would you do? Would you rather be with the...