Chapter 2

52 34 77
                                    

(Scarlett's POV)

************************************

"Gusto kong pumunta sa park." sabi sakin ni Sir Lennon.

Agad naman kaming pumunta doon dahil malapit lang-walking distance. Araw-araw kaming pumupunta doon dahil sa kagustuhan niya. Ewan ko kung bakit.

Naalala ko tuloy yung una kaming nagkita rito ni Lennon. Mag-isa siyang naglalakad sa park na ito at tumawag ito ng aking pansin dahil obvious na bulag sya-may walking stick at black na glasses siyang suot.Nagwapuhan talaga ako sa kanya at inakalang nawawala siya kaya nilapitan ko. Pero nung nilapitan ko at tinanong kung nawawala siya ay inisnob lang naman ako.Nalaglag ang kaniyang pitaka at hindi niya alam, nakita ko kaya pinulot ko agad at binigay sa kanya.Doon na lamang siya nagsalita aat sinabi kung gusto kong magktrabaho, agad naman akong um-oo.Grabe,ang bilis magdaan ng panahon..

As usual,nakasuot ng black na glasses si Sir na hindi ko pa siyang nakikitang tinatanggal iyon at casual na damit.

Umupo kami sa may isang bench doon.Unti pa lamang tao rito dahil maaga pa.Grabe,sarap sa feeling nung  hangin!!! Tahimik rin rito at ang ganda kaya siguro nagustuhan ni Sir na pumunta rito - wait, di nga pala nakakakita si Sir.

"Hayss! Ganda dito!!" saad ko.

"Hahahaha..Yeah." sagot naman ni Sir. Grabe.. Nagsasalita lng si Sir kapag magsasalita rin ako.So cold.

"Ah,Sir.. Bakit po ba tayo palaging pumupunta rito?" Tanong ko.

"Well.. I'm waiting for someone to come back." mahinahon niyang sabi. Ay..mukha tuloy akong chismosa sa tinanong ko.Sino kaya yung hinihintay niya?? Tungkol kaya yon sa lablayp niya? Hindi na ako magtataka kung may love life siya, sa guwapo pa naman niya.

Iniba ko na rin ang tanong ko.
"Di ba po nagpagaling kayo sa Europe...Bat pa kayo nagstay rito?"

"Wala naman na akong kasama doon.Patay na rin ang parents ko kaya dito na lang ako nagstay..."

"Ah,sorry to hear that." malungkot na sagot ko. Hindi ko alam na patay na pala yung mga magulang ni Sir.

"Saka...hindi sanhi ng aksidente tong pagkabulag ko..Kagagawan ko talaga to..." sabi niya,I can't feel what he's feeling right now pero feeling ko naman ay di siya nagsisisi na naging bulag siya.

"Ha? Anong kagagawan mo?" Tanong ko. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang iparating?!

"Ah,wala. Wala lang yun." Sabi niya sabat ngiti.

Tumatango tango nalang ako at hindi na pinilit kung ano iyon. Nagyaya ako na maglakad lakad kami sa park at sumang ayon naman si Lennon.Dahil nga sa madaldal ako at hindi makatiis na walang sinasabi ay kung ano-ano ang napagkuwentuhan namin. Tumungtong ang aming usapan sa buhay ko noon bago pa ako maging caretaker ni Sir Lennon.

"Hindi ba sabi mo na paligoy-ligoy ka lang dati? Ano ba talagang nangyari?" Tanong niya.

Huminto kami sa may tapat ng isang fishing pond.

"Hahaha! Wala na talaga akong maalala maliban nung magising akong nasa isang ospital. Sabi ng doktor ay wala daw bumisita sya akin kaya baka wala akong pamilya.Kaya ayun...naging palaboy ako.hahaha!" Sabi ko ng medyo tumatawa at may pakamot kamot pa ng batok.

"Gusto mo bang mahanap yung mga magulang mo?Tutulungan kita." Sabi niya sa akin at ngumiti siya.Hindi ako sanay na hindi tumitingin sa akin ang kinakausap ko haha pero yung jaw line talaga at yung malalim nyang collar bone!!

"Ah,wag na..Okay lang na hindi ko na mahanap yung mga magulang ko" sabi ko. napansin ko na may necklace na suot suot si Sir Lennon,nakita ko lang yung string ng kwintas at nakatago yung ulo(pinakadecor,di ko alam ang tawag hahaha) ng kwintas sa loob ng tshirt nya.

Dream CatcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon