Chapter 3

37 32 38
                                    

(Scarlett's POV)

Pumunta ako sa kitchen para uminom ng tubig at iniisip parin kung pano idedecode yung mga panaginip ko.

Kumuha ako ng baso, kumuha ng malamig na tubig sa ref at nilagyan ko yung baso nung iyon.

Pagkatapos kong uminom ay pumunta ako sa may living room at sumalampak sa may couch.Nagising naman ako sa aking ininom.Tumingin ako sa wall clock 4:57 AM ang aga kong nagising at alam kong di na ako makakatulog.

Hmmm... Paano ko kaya madedecode iyon?Hayss...Ang hirap pigain ng utak ko. Wag na nga lang muna.

Tumayo ulit ako at Tumingin sa may bookshelf ,naghanap ng pedeng babasahin pampalipas oras.

Habang namimili ako ng libro ay may isang librong naka catch ang attention ko..

"The Art of Waking and Dreaming."

Agad ko namang kinuha iyon at binasa baka may mahinuha ako ditong kaalaman na puwede kong gamitin sa pagdedecode ng mga panaginip ko.

May nabasa akong lucid dreaming-'lucid dreaming- being aware that you are dreaming from within your own dream.'

May nabasa pa akong additional infos tungkol doon at kapag daw nagawa ko iyon ay magkakaroon ako ng kontrol sa aking mga panaginip... Hmmm...

Interesting...Feeling ko kaya ko itong gawin dati pero nakalimutan ko lang hahahaha.

*******

Pumunta ulit kami nina Sir Lennon sa park. Palagi nga kaming pumupunta rito dahil mah "hinihintay daw siya" kuno.

Umupo ulit kami sa may isang bench at nagkuwentuhan. Sa totoo lang ay hindi ako nabobore na palaging pumupunta rito. Ewan ko. Everytime I go here it feels nostalgic.. .

May nakita akong ice cream vendor kaya ayun nagpaalam ako na bibili lang ako.

Bumili ako ng 2 ice cream at bumalik na sa bench.

Habang ako ay papalakad papunta kay Sir Lennon ay may dumaan sa akin na isang matangkad na lalaki at napansin kong may suot siyang dreamcatcher.....

Nagpatuloy la---- wait... Parang pamilyar ang mukha niya?! Lalo na yung dreamcatcher na suot niya.

Tumakbo muna ako papalapit kay Sir Lennon upang ibigay yung ice cream niya.

"Waitt lang po! May hahabulin lang ako!" sabi ko at dagling tumakbo papunta sa direksyon kung saan kaninang naglalakad yung matangkad na lalaki na nakita ko.

Pamilyar talaga ang mukha niya sa akin pero di ko matandaan kung sino siya at ano ang naging parte nya sa buhay ko. Pero yung dreamcatcher talaga ehhh....

Nang hinahabol ko na ay di ko na siya makita.Tumingin tingin ako sa paligid ko at baka nandoon pa rin ngunit dumarami na rin ang tao kaya hindi ko masilayan pa ung lalaki.

Damn! Nakakabuwisit!

Bumalik nalang ako sa may bench at umupo sa tabi ni Sir Lennon.

Napabuntong hininga nalang ako dahil hindi ko nalapitan yung lalaki kanina.

"Oh,bakit ka tumakbo?" Tanong ni Sir Lennon.

"Ah.. Yung dumaan po kasi na lalaki ay. parang pamilyar sa akin tas hinabol ko pero di ko na makita." Sagot ko.

"Okay lang yan kahit di mo nahabol. Magkikita din kayo kung itinadhana talaga kayong magkita." Sabi niya.

Napangiti ako sa kanyang sinabi."Yeah..."
Siguro ay nagtataka kayo na ganito kami ka close ni Sir. Siguro dahil mabait talaga si Sir kaya naging close kami ng ganito at magaan na talaga ang loob ko nung makilala ko siya.

Dream CatcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon