SIMULA
"One more and... it's a wrap!" nagpalakpakan ang nasa paligid ni Maine. Inayos niya ang suot na tube at tumayo habang tumitingin sa paligid. Kaagad ngumiti ang dalaga nang makita ang isang malaking bouquet na nasa isang upuan.
Hindi siya makapaniwalang gagawa na naman ng pakulo ang kasintahan. He never failed to amaze her each day. If given a chance to give back
Hindi matanggal ang ngiti sa mukha niya at lalo pa itong lumawak nang makitang may naka-patong ding maliit na envelope sa tuktok nito.
Dali-daling binuksan ni Maine ang envelope at tumambad ang maiksing mensaheng para sa kanya.
Mahal,
I'll pick you up. I cooked something for you.
- Rico
Maine giggled then covered her blushing cheeks. She isn't afraid of those eyes that might saw her. She's just ashamed to be seen like 'that'. Kinikilig. Namumula.
Nanlaki bigla ang mata ni Maine nang may yumakap sa kanya mula sa likuran. Naghahanda na siyang manakit nang magsalita ang yumakap sa kanya.
"Pinagod ka ba rito, mahal?"
Boses palang, alam na niyang si Rico ito. Maine could not hide her kilig lalo na nang iharap siya ng kasintahan sa sarili nito. Rico then softly touched her cheeks, making her blush a bit more.
"Tara, uwi na tayo?" umakyat ang kamay ni Rico patungo sa kanyang mata, tatanggalin sana nito ang shades nang pigilan siya ni Maine. She grabbed his hand then walk twice her usual pace.
"Let's get inside first." aniya habang tinitignan ang paligid. Lingid sa kaalaman niya ay wala talagang nanunuod sa kinikilos nila dahil na rin sa pangkukuntsaba ni Rico. He was planning something. Hindi na siya makapaghintay na magawa 'yon.
"Hey, hey. Take it easy. Wala naman atang nanunuod sa atin kanina." natatawa na lamang si Rico sa inaasal ni Maine. She looks paranoid with all the possibilityng makikita sila ng kung sinong staff at magsumbong ito sa kani-kanilang manager.
They're in a relationship, pero tanging pamilya at malalapit na kaibigan lamang ang kanilang pinagsabihan.
"Rico, kahit na. Mabuti na 'yung nag-iingat tayo. Yes, we're on-screen loveteam. Pero —"
"Maine, listen, I love you. Ayaw mo bang ipagsigawan ko sa buong mundo 'yon?" Rico's eyes darted on Maine, they were asking her to trust him.
"Of course, I want that. Pero..."
"Pero, ano?" bakas ang pagka-lito sa boses ni Rico. Hindi niya maintindihan kung ano ang kinakatakot ni Maine. But, he wants to understand that's why he keeps himself calm.
"Mahal, look at me," inangat ni Rico ang baba ni Maine upang matignan siya niyo sa mata.
"Can you trust me on this? Hinding-hindi kita papabayaan. We're not going to be separated if that's what you think."
Panandalian lamang na nagkasama sina Rico at Maine sa isang teleserye. Matapos iyon, kailangan na nilang bumalik sa kanya-kanyang pokus sa karera.
Si Maine sa hosting — si Rico naman, sa acting.
Kabilang sa kontrata ang pagbabawal sa kanilang dalawa na magkaroon ng relasyon. Ito'y dahil mayroong orihinal na katambal si Rico sa kanyang mga nagiging proyekto.
Ilang beses napalunok si Maine habang tinititigan si Rico. Pinipigilan niyang maiyak. Ayaw niyang makita siya ng kasintahan sa ganoong disposisyon.
"I love you," sambit ni Rico nang hindi umimik ang kaharap. Marahan niya rin itong hinila upang yakapin ng mahigpit.
"I love you too, Rico." bulong ni Maine at sinubsob na lamang ang mukha sa dibdib ng kasintahan.
———
"Hey, nandito na ba tayo?" natatawang hinawakan ni Maine ang kamay ni Rico na nakatakip sa kanyang mata. Dahan-dahang inaalalayan ni Rico ang dalaga, nasa tabi siya nito kahit na tinatakpan ang dalawang mata ni Maine.
"Wait, mahal. Sir, pwede na ho."
Kasabay ng pagkalas ni Rico sa pagkakatakip ng mga mata ni Maine ang pagtugtog naman ng banda. Nilingon si Maine kay Rico na kaagad namang pumwesto sa kanyang harapan. He's smiling. His eyes glistened as the lights were turned on, proof that he's tearful.
"Maine...." he cleared his throat and began kneeling before her.
Hindi na napigilang mapa-takip ng bibig si Maine. She was in shock and also tearful. Lumala ang nararamdaman niyang kasiyahan nang maglabas na si Rico ng isang maliit na kahon — unti-unti niya iyong binuksan at lumitaw ang makinang na singsing.
"Maine Mendoza, I always wonder why am I alone for so many years. Hindi ko alam kung nasaan 'yung sinasabi nilang nakalaan para sa akin.. hanggang sa makilala kita. I already know the first time I saw you that I had to marry you. Because, if it's not you.. I don't know what future might lead me."
Yumuko si Rico at nanginginig na kinuha ang singsing mula sa kahong hawak.
"Maine, will you marry me?" he paused for a second and look up to her.
"Y-yes.. It's always been a yes, Rico."
Humagulgol na si Maine at naupo upang yakapin at halikan sa labi si Rico. Walang pagsidlan ang tuwa ng dalawa. Both of them couldn't imagine that this night is unimaginably the best night of their lives.
———
Nagprisenta si Rico na ihahatid nito si Maine sa kanyang bahay. Sa isang condo sa Makati nakatira ang dalaga, hindi kalayuan sa kabibiling bahay ni Rico para sa kanilang dalawa.
Habang nasa biyahe ay hindi matanggal ang ngisi sa mukha ni Rico, samantalang nakatulog naman sa tabi nito ang girlfriend at ngayo'y fiancee na niya. Palingon-lingon siya kay Maine na nauuntog na sa bintana ng sasakyan ngunit 'di pa rin nagigising.
Mabigat ang trapiko sa daang tinatahak nila. Nakahinto ang sasakyan nila at tanging si Rico lang ang gising kaya naisipan nitong buksan muna ang radyo.
News station ang unang nasagap na channel ng radyo, ililipat na sana ito ni Rico sa ibang istasyon nang marinig ang pangalan ni Maine sa balita.
"Maine Mendoza, inaming mayroong terminal disease. Fans, nakikidalamhati sa aktres."
Kaagad nilingon ni Rico ang kasintahang nasa tabi. Hinawakan niya si Maine at pinakiramdaman. Ang mukhang akala niya'y natutulog lamang ng mahimbing ay tuluyan nang naging kasing lamig ng simoy ng hangin sa gabing iyon.
BINABASA MO ANG
Trust Me, I Lied (EDITED VERSION)
عاطفيةFour persons, two faces. Four hearts, two different love stories combined. The story of Dei, Maine, Rico and Sedlex will unfold as you read along the way. --- ❤ Edited version will be posted sooner! Keep safe, everyone :)