Chapter 3
"Blessed are those who mourn, for they will be comforted."
-Matthew 5:4I wake up again and its a new day of suffering, I can't believed that I still have the guts to be awake. Sana darating ang umaga na di na ako magising para wala na akong maramdamang sakit, nakakasawa rin ng ganito palagi parang wala akong mapuntahan.
Bumangon na ako at ginawa ang retwal sa umaga ko. 10:00am pa class schedule ko ngayon since Wednesday's at 7:11 palang maglilinis na muna ako sa dorm at ng malibang ng kunti.
Nagluto na muna ako at habang hinihintay ang sinasaing ko, uminom muna ako ng coffee para mainitan din ang tiyan ko. Mahilig ako sa coffee since ito ang pangparelax ko habang may sinusulat ako na bagong kwento. Mahilig akong magsulat, di rin ako ma-lakwatsang tao at lalong hindi ako sumasali na uminom ng mga alcoholic beverages, siguro ito ang isa sa sanhi ng pag iwan sakin ng mga kabarkada ko. Kapag kasi lumalabas kami noon at napagpasyahan nilang uminom palagi akong natutuksong KJ kasi hindi talaga ako umiinom ng alak. Nakakasama kasi iyon sa katawan ko.
Mahina akong tao, sakitin at parang kunting kain lang ng di pwede sakin wala na finish na!. At talagang bawal ako niyan. Mas gugustuhin ko pang sa dorm nalang at magsulat pero kailangan ko rin pakisamahan ang mga kabarkada ko kaya sumasama nalang ako kahit di ako uniinom. Kailangan eh!
At siguro isa din sa ayaw ng pamilya ko sa akin ang pagiging sakitin ko dahil isa sa mga sanhi ng pagkakasakit ko nagkaroon kami ng malaking utang at parang sa tuwing may hihingiin ako kina Papa sinusumbat nila sakin ang bagay na yan.
Pero ngayon sa pag-aaral ko hindi na nila pera ang ginagastos sa akin ngayon kasi hindi si Papa sang-ayon noon na mag-aral ako ng college dahil ang dahilan niya baka magaya ako sa mga babae ngayon na nabuntis lang at di nakapagtapos. Baka daw masayang na naman ang perang iniipon nila para sa mga kapatid ko, parang di naman nila ako anak sa lagay nayan. Hayy!! Buhay nga naman parang life!
Buti nalang scholar ako sa school ko at minsan din tinutulongan ako ng kapatid ni Mama ko sa allowance ko pang araw-araw kaya ito malapit na akong matapos sa pag-aaral ko. Buti pa sila may tiwala sa akin na makakatapos ako ng pag-aaral at masaya ang tita ko na nakalutong siya sa akin.
Ano ba naman tong buhay nato! Sa isip ko nalang ang kausap ko kasi wala naman akong magagawa dahil talagang wala akong makuhang sagot sa mga bagay sa buhay ko.
*****
Sa kalagitnaan ng paglilinis ko, biglang pumasok ang sinabi ni Charles sakin kagabi. 'Sa dating tagpuan 7:00 pm sharp! Hihintayin kita doon.!'
Totoo kaya yon? Ano naman ang pag-uusapan namin? Sa past? No, thanks! Pero baka maghintay siya doon, hey! Talagang nag-aalala ka pa pagkatapos ng ginawa niya! Sigaw ng isip ko.
Hayyy!! Ayaw ko nang isipin yon baka mas masira pa ang araw ko. Ayaw kong maging tanga ulit at baka maging bato na ako dahil hindi ko na maramdaman ang sakit na dulot nilang lahat.
I can't even imagine what my future is cause I don't know if there is anything I should be able to get the chance to look forward. I have a family but it feels that I don't have it too. May mga barkada ako noon pero mga traydor pala at manggagamit. Nagkaroon din ako ng boyfriend pero hindi rin matino. Diba ang ganda ng buhay ko? Saan kapa nito? (Note the sarcasm)
Maraming araw na umiiyak ako at nanalangin sa Diyos na sana pagbigyan niya ang hiling ko pero hanggang ngayon andito parin ako alone and broken with this darkest road of my life.
Sana darating ang umaga na gigising ako na may nagmamahal sakin ng walang kondisyon at mamahalin ako ng hindi naghahanap ng kapalit. Sana darating yan sa akin para maranasan ko rin ang MAHALIN.
YOU ARE READING
Beauty of Brokenness💔
SpiritualFor many people, broken things are considered worthless and useless. This, in a way, reflect our lives when we experience brokenness. Sin, loss, failure, frustration, poor health, and financial reversals are things that cause brokenness in our lives...